KYLE'S POV
Nandito ngayon ako sa backstage at nanlalamig ang dalawa kong kamay sa sobrang kaba. Paano ba naman, segundo nalang ang bibilangin at ako na ang kakanta, ng solo! Kaya ko kayang sabihin ang pangalan niya sa harap ng mga schoolmates namin dahil sakanya ko idededicate ang kakantahin ko? Ay grabe bat kasi ako natulog sa klase nun e!
Para maintindihan niyo, eto flashback.
Dito kami ngayon sa kwarto ko kasama si Mj, may tatlong oras na nga ata kaming nag-uusap tungkol sa English week! Lalo na dun sa solo part kase hindi namin talaga alam kung kanino kami pwedeng magdedicate.
"Alam mo Mj may naisip nako e." Sabi ko habang hawak ang baba ko na parang nag-iisip pa kase ang corny ng suggestion kong to. "Kaya lang parang lilitaw naman na bakla tayo pag yun ginawa natin e. Yak wag na nga lang! Tss!"
"T*ang*na naman Kyle nag-suggest ka pa loko! Bat ba pag ganito usapan nagiging bobo ka?" Aba sumosobra na tong pangit nato ah!
"Sira ulo ka talaga e anong magagawa mo, wala akong alam sa mga kaartehan na ganyan! Lul!" Tsaka ko ibinato sa kanya ang unan na binato niya ulit pabalik sakin.
"Gago, ako may alam na kaya lang parang hindi ko naman kayang gawin yun e. Aakalain mo bang sa gwapo kong to e may hiya pa ako? Deymn!" Kapal neto.
"Ano ba? Tngina naman bat hindi mo agad sinabi? Kanina pa ako nag-iisip dito tas meron kana pala!" Baliw talaga pinahirapan pakong mag-isip!
"Nagtatanong ka ba?"
"Baliw kaya nga suggestion e. Haynako!"
"Sina mama tsaka kapatid ko nagsuggest nito sakin e." Pasuspense pa ay.
"Ano nga? Di pa sabihin e." Bato ko ulit tong unan sakanya pag dipa dineretso e lol. Hahaha.
"Si Abby daw kakantahan ko kase alam naman daw niya na may gusto ako sakanya. Kaya lang pre, kinakabahan ako. Di ko kaya kaya yun. Eh baka akala pa nung mga tao dun nililigawan ko siya." Wow ah.
"Wow ah. Eh san pa ba ang pupuntahan niyan? Buti ka pa nga naamin mo na eh. Tsk. Congrats pare graduate kana sa pagiging torpe! Hahahaha!" Totoo naman e, ligawan naman sunod diyan pinapatagal pa.
"Wow talaga! Di ko pa nga siya nakausap pagkatapos nung pesteng truth or dare na yun tapos ligaw agad? Malay ko ba ano nalang tingin niya sakin ngayon." Luh problema nga yan brad!
"Ay ganun pala yun. Ah eh basta! Kung akong tatanungin mo, si Abby din pipiliin ko para sayo. Kung hindi mo sakanya idededicate ang kanta, e parang sinayang mo lang yung chance mo gagi." Bagay naman kaya sila. Huh! Gagawa ako ng paraan para mas maging close tong dalawang to! Masabihan nga si Lance pag nagkita kami.
"Mga buyset talaga kayo e hindi ko nga kaya!" Aba!
"Sira kaya mo! Natatakot ka lang lul! Hindi mo pa nga sinubukan e sumusuko kana!" Natahimik siya saglit na parang may iniisip.
Sana naman iniisip niya kung pano niya ko matutulungan sa pag-iisip ng gagawin ko sa solo performance ko no. Wala na siyang mabuting nadulot sakin mula ng dumating siya e.
"Sige gagawin ko. Kay Abby ko idededicate." Yan, dapat ganyan! "Pero sa isang kondisyon!" Sus. Papalibre to tingnan niyo man.
"Hay, oo sige ililibre kita don't cha worry my brad!"
"Hindi yun loko. Pero dahil sinabi mong ililibre moko, aba game ako dyan! Pero hindi talaga yun ang kundisyon ko."
"Ha? Eh ano nam--"
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
Novela JuvenilIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))