MJ'S POV
Monday-tuesday yung periodic exam namin tapos ngayon na yung result, Thursday.
Sa big bulletin board ng high school department naka-post yung mga scores tsaka yung mga top achievers sa quarter na yun.
Papunta kami ngayon dun para tingnan yun mga score namin. Kaya lang bigla namin nadaanan yung classroom ng kapatid ko at nakita ko si Abby na may kausap na lalaki.
Teka, parang nakita ko na 'to noon ah. Pamilyar kasi yung mukha niya tsaka bakit parang ang seryoso naman nung pinag-uusapan nila.
"Ah, Lance, Kyle. Hindi ba niyan maraming tao sa big bulletin board kasi diba, maraming titingin niyan. Makikisiksik ba tayo sa mga yun?" palusot ko para dito muna kami at alamin kung ano man ang mayroon sa kanilang dalawa. Ang sakit sa puso nun ah. Joke. Just kidding guys.
"Oo nga no. Tsaka ayoko pa talagang tingnan yung score ko tsaka mga top achievers eh. Tae mukha kasing bagsak ako. Wala kasi akong nireview eh." si Kyle parang binagsakan ng langit at lupa oh. Hahaha. Ayun, buti nalang gumana palusot ko.
"Dito muna tayo." sabi ko tsaka umupo sa isang upuan malapit sa pinto ng classroom ng 3rd year-A. Classroom nila. "Tinatamad akong maglakad. Mamaya punta tayo dun 'pag nag-bell na. Papasok na mga yan sa classroom nila nun." sabi ko pa. Oh diba, kapani-paniwala mga kalokohan ko.
Ano ba kasing pinag-uusapan ng dalawang to? Kainis ah.
Si Lance ayun, halatang hinahanap nanaman nito kapatid ko.
Si Kyle? May balak atang matulog sa armchair ng may classroom. Ang tamad ng aura nito ngayon. Dinibdib ata ang exam. Hahaha.
Habang nagmamasid ako sa classroom nila, bigla namang pumasok ang kapatid ko tsakasi Cath na galing ata sa canteen. Kumakain pa kasi eh. Dinala pa pati baso dito.
"Oy kuya, bat nandito kayo? Si Kyle ba yang tulog?" tanong niya.
"Hala anyare dyan?" sabi naman ni Cath.
"Wala yan. Baka kinakabahan lang yan sa result ng exam. Di kasi nagreview eh." sagot ko.
"Ay ganun. Sorry naman." ewan ko bat nagso-sorry si Cath ah, pero parang may nase-sense na talaga ako sa dalawang to. Oo alam kong may gusto si Kyle sakanya, nabanggit ni Kyle yun nung yung kidnapping incident. Yun.
"Oh so bat nga kayo nandito?" tanong ulit ng kapatid ko.
"Bakit masama ba? Wala lang. Makiki-upo saglit." sabi ko lang. Paki ba niya. XD
Nag-ikot ikot naman yung mata ng kapatid ko at nakita niya siguro yung dalawa (Abby and the guy) na nag-uusap sa bandang gilid at likod ng classroom kaya...
"Oy Abby. Bat mo ba kinakausap to?" tanong niya agad na medyo galit habang nilalayo ang dalawa sa isa't-isa. "Uy dun ka nga. Parang bumili lang kami saglit ni Cath okay na agad kayo? Ganun ka ba talaga kabilis? Alis!" sabi pa niya dun sa lalaki. Parang ibang Sab ang nakikita ko ah. Alam ko kasi di naman siya ganyan maglaban o magalit eh.
"Ano nanaman bang pinagsasabi mo sakanya? Sira ka talaga! Di mo na ulit yan malalapitan tignan natin!" sabi pa ni Cath sa lalaki.
Ano ba kasing nangyayari talaga? Lalo lang akong naguluhan eh! Tangna.
"Oy Sab, Cath. Ano ba to? Teka, wag nga kayong makipag-away. Baka ipatawag pa kayo sa detention room eh." pagpipigil naman ni Lance. Dun lang ako nahimasmasan sa nangyari at kinalabit si Kyle para tumayo din.
"Kyle si Cath." bulong ko sakanya habang hinihintay pa rin ang susunod na mangyayari.
"Anong nangyari?" tanong naman nito agad.
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
Teen FictionIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))