Chapter 9: My Knight in Shining Armor

32 0 0
                                    

KYLE'S POV

Pagkatapos nilang (Mj, Lance, Sab, Abby) malaman ang nangyari kay Cath, hindi na sila pumasok. Valid naman reason namin ah. Tuesday kasi ngayon. Sa lunes na exam namin. Bahala na yun. Basta isa lang ang nasa isip ko ngayon.

Pagkatapos kong kumain ng lunch, pumunta silang lahat sa amin. Yung apat. Nakikibalita anong gagawin. Sinabi ko sakanila yung plano ko. Syempre lahat may contribution, kaya lahat kami may gagawin. Tsaka bawal ang maarte sa mga task nila. XD

(A/N: hintayin niyo nalang gawin nila yung plano. XD)

2:30 nagre-ready nako. 3pm kasi ang sabi ng mga sira ulong kidnapper.

2:45 tumawag ulit sila gamit pa rin ang phone ni Cath. Nagbyahe na ako papunta sa address na tinext niya. Ako lang mag-isa. Pero ilang minuto lang, parating na yung mga kasama ko. Humanda kayo mga sira ulong lalaking walang magawa sa buhay! ><

"Oh ano na anak ni Mr. & Mrs. Chua? Handa ka na bang makita 'tong girlfriend mo? Ako sobrang handa ng makuha ang dalawang milyon! Grabe, ang dami nun. Nais kong sabihin pala na, wag na wag kang pupunta dito na may ibang kasama. Tandaan mo yan!" nag-iinit dugo ko sakanya kapag naririnig ko yung boses niya -.-

"Sira ulo! Wala akong girlfriend! Magkaibigan lang kami. Subukan mo lang saktan siya, mamamatay ka! Ibalik mo nga sakanya yang cellphone niya! Mag-uusap kami!"

Mabuti naman madali tong kausap. Binigay niya kay Cath yung phone, naramdaman ko.

"Ky-Kyle?" umiiyak siya.

"Cath. Sandali nalang. papunta na ako diyan. Sinabi ko na rin sa mga magulang at kaibigan mo ang tungkol sa nangyari sayo. Nag-aalala sila ng sobra. Basta maghintay ka lang. Iuuwi kita sa inyo ng maayos kasi maha-- kasi mahalaga ka sa aming lahat." muntik ng madulas ang dila ko. Naaawa ako sakanya. Naiiyak ako. Ang gay sht!

"Kyle? *sob*" umiiyak pa rin siya.

"Tama na nga ang drama niyo. Magkikita din kayo hindi pa kayo makapaghintay." hawak na naman nung kidnapper yung phone. Putasdfghjk lang.

Nainis ako kaya binabaan ko siya. Malapit na ako. Nakikita ko na yung pinagtataguan nila. Halos puro damo lang ang makikita dito. Nag-iisa lang ang bahay kaya malamang nandoon sila. Walang bantay sa labas. Maganda to. Kaya siguro di makatawag ng tulong si Cath dahil walang ibang tao dito.

Bumaba na ako kasama yung bag na naglalaman ng 2 million. Handa na ako. Kailangan ko lang super faith powers at God's guidance. 

"*sigh* Kaya ko 'to!" tsaka ako naglakad papunta sa nag-iisang bahay dito.

Nasa labas nako ng bahay, sa harap ng pinto. Binukasan ko agad yun.

"Nandito na ako." sabi ko agad pagbukas ko ng pinto. Tatlo lang pala sila, yung isa mukha pang inosente. Parang ka-edad ko lang. Yung isa mataba. Tas yung isang kausap ko napaka-addict ng itsura. Ang pa-pangit pa ng tatoo niya. Kamukha niya.

Tapos naghand gesture siya na parang pinapalapit ako at ibigay sa kanya yung bag.

"Ibigay niyo muna sa akin si Cath. Ibibigay ko sa inyo ang hinihingi niyong pera." syempre di ako magpapauto. Utut niya, akala niya ba ibibigay ko agad? Asa siya.

"Sigurado ka bang kumpleto yan? Okaya baka play money lang?" talagang pinagdudahan pa ako ah. Utak nito.

"Teka lang, mukha ba akong nagsisinungaling? Gusto mo i-check mo pa eh!" grabe, yung dugo ko pumupunta sa ulo. Nakakainis! Kung kasama ko lang yung dalawa, kanina pa namin inupakan tong mga to!

"Tingnan mo nga yun kung tunay na pera ang dala." utos niya dun sa mataba. Talagang walang tiwala ah. Sikmurain ko to kapag nakuha ko na si Cath.

"Hindi. Gusto ko siya nalang mag-check. Siya, siya." tinuro ko yung kasama nilang halos ka-age ko lang. Mukha pang mabait yun eh. Baka daganan pa ako nung mataba.

My Partner :) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon