Chapter 21: Give me a chance

22 0 0
                                    

ABBY'S POV

"Oy! Ano ba? Tutunganga ka nalang ba talaga? Ilang beses ko ng tinanong kung truth or dare eh!" Napatigil ako sa pag-iisip dahil binatukan lang naman ako ng walang hiya kong katabing si Cath! At ang lakas nun! Ewan ko lang kung di talaga magigising ang diwa ko.

Teka, ano daw?

Kanina pa niya ako tinatanong kung truth or dare?

Tss. Edi ibig sabihin nakatunganga lang ako at kung ano-anong nasa isip ko? Gaga talaga oh. Bakit di ko napapansin?

"Truth ka nalang. Napaka-mysterious mo eh. Para naman may malaman kami kahit ano lang sayo." Ganon? Mysterious agad? Grabe naman pala.

"Hindi ikaw yung tinatanong manahimik ka dyan." Tsaka nanaman inirapan ni Sab si Lance for the nth time.

"Sus. Kung mag-away parang wala ng bukas ah. Pero sabi ko 10 minutes lang hahawakan ang kamay, eh mag-iisang oras na tayong naglalaro dito, magkahawak pa rin ang kamay. Sweet talaga eh." Natatawang sabi ni Cath. Bigla naman silang napatingin pareho sa kamay nila na nakahawak pa din sa isa't-isa. Bigla din namang inalis ni Sab yun at nahihiya pa.

Teka, kwento ko dapat to eh. Bat ba sumisingit sila? Tch.

"Oy, truth na ako. Mamaya na yan." Panunukso ko.

Buti naman nanahimik sila.

Nakita ko namang nag-iisip ang bawat isa ng itatanong. Nako, baka ano pang masabi ko sa mga to. Pare-parehong tsismoso't tsismosa eh.

"Pinayagan mo ba ulit manligaw si Darius sayo?" Tanong ni Sab.

"Sakanya ba galing yung mga bulaklak, chocolates, at letters sa locker mo tuwing monday, Wednesday, and Friday?" Tanong naman ni Cath.

"Bakit ikaw ang pinaka-tahimik sa inyong tatlo?" Tanong ni Kyle.

"Ano bang pwedeng itanong sayo?" Haynako, Ewan ko dyan kay Lance.

"May pag-asa ba ako sayo?" At eto talaga ang tanong na nakaagaw ng atensyon ko. Wala na. Diko na alam kung makakapagsalita pa ako nito.

Sana lamunin muna ako ng lupa ngayon!

"Ah, ano. Teka, isa-isa lang ah." Para naman kasing ang dami nilang gustong malaman tungkol sa akin. Ganon ba ako katahimik pag kasama namin sila?

"Ladies first." Sabi naman ni Kyle.

"Ako una. Pinayagan mo ba ulit manligaw si Darius sayo? Ang saya niya kasi pag nakakasalubong ko siya e. Curious lang ako." Tanong naman ni Sab. Sabi na mapapaamin ako e.

"Oo. Nakakabanas na kasi siya eh. Araw-araw nalang siyang nangungulit. Kaya imbes na araw-araw akong mainis, pinayagan ko na. Para manahimik." Explain ko.

"Sure ka yun lang?" Tinanguan ko naman siya. Yun lang naman kasi talaga.

"Edi siya nga yung naglalagay ng bulaklak, chocolates, pati letters sa locker mo. Desidido talaga ah." Tumango lang din ako as a confirmation.

"Gusto mo pa ba yun hanggang ngayon? Bakit ba kayo nagbreak?" Tanong naman ni Lance. Grabe parang nasa conference room kami neto ah. Baka matunaw na ako dito sa mga tingin nila. Nakikinig at nakatingin lang lahat sila sa akin. Nakakakaba.

"Hindi. Hindi ko alam. Basta nababadtrip ako na ewan pag nakikita ko siya. Masyadong mahaba kung ikukwento ko bakit kami nag-break." Tss. Bakit ba puro tungkol nalang sakanya ang tanong? Hindi ba pwedeng itanong nalang nila kung anong gamit kong shampoo? Kung kailan birthday ko? Favorite food. Yung mga pang-slam book lang.

Wag lang yung involve siya. Nagiging mahina ako. At alam kong maya-maya lang ay iiyak nanaman ako dahil sakanya.

"Spill it. We're here to listen." Sabi ni Kyle at inabutan naman ako ng panyo ni Mj pero di ko agad kinuha.

My Partner :) [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon