SAB'S POV
Huwebes na whoa! Sa monday exam na namin! Aww.
Si Cath di pa rin pumapasok ang loka. Ayaw pa niya, magpapahinga muna daw. Baka bukas papasok na. Magtatanong ng pointers to review. Kaya niya kaya? Sira talaga kahit kailan yon. Masyadong nagpapa-stress. Masyadong masipag! Hahaha. Joke.
Si Abby naman, ayon. Ramdam ko ang pagka-asar niya. Ka-klase kasi namin si Darius. Ang kanyang dakilang ex-boyfriend! Not dakila, sira-ulo pala. He-he-he. Ewan ko ba bat tinanggap pa tong lalaking to dito. Pwede naman siya sa section B ah! Psh. Inis din sakin si Abby kahapon, di kasi ako pumasok eh. Eh basta. Akin nalang yung reason ko. Haha. Dejk lang, umalis kasi kami, may pinuntahan kami ni kuya. Pinsan namin mula sa isang malayong lugar. Ewan ko saan yon. XD Basta!
"Sabrina? Did you know that new student?" pabulong na tanong ni Samantha sa akin. Ayan na, ayan na! Mangungulit nato nyan!
"Who?" pabalik kong tanong kahit kilalang-kilala ko kung sinong tinutukoy niya.
"That handsome guy over there. The one who named Darius?" hindi pa sigurado sa pangalang kanyang binaggit habang tinuturo ito.
"Tch. Gwapo ba yun? Parang di naman." asar kong saad sakanya. E sa hindi naman talaga e.
"Tss. You're so bitter Sab. Hindi mo ba alam na there are a lot of students na crush siya. Imagine? Kabago-bago pa lang niya here pero there are so many girls na may gusto na sakanya." ayan nanaman ang pagiging conyo niya. Ang arte talaga. Plastic ng babaeng to ah! Sipain ko to eh! Aba't feeling close pa at tinawag akong Sab. The heck!
"Gwapo nga ang sama naman ng ugali." sabi ko ng pabulong sa pinagsasabi niya.
"What? He has a bad attitude?" nagulat pa ang loka.
Di ko siya pinansin at patuloy ako sa pagbabasa ng libro. Alam niyo na, hindi ako kasi pumasok kahapon diba?
"How did you know that? So magkakilala na talaga kayo? Can you please tell me about him?" pa-cute niyang request habang nakatingin sa akin. Pero sa libro ako nakatingin. Kaasar to. Manhid talaga! Nakita na ngang nag-aaral ang tao, iistorbohin pa!
"No, I don't want. " tiningnan ko siya ng nakakaloko tsaka nag-focus ulit sa binabasa. San na ba ako? Tch.
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong sigawan sa loob ng classroom. Mabuti't break namin kaya konti lang ang nakakita. Pero may nakakita pa rin. Tumayo siya at nagsimula sa sasabihin.
"Ang sungit-sungit mo talaga! Porket sikat ang kuya at mga barkada nito sa campus feeling mo ikaw din? Tch. Asa ka pa. Ang layo-layo kaya ng ugali mo sa kuya mo. Feeling mo niyan magaling ka na? Papansin ka lang naman sa mga teachers dito. Nagtataka nga ako kung panong naging kuya mo siya eh. Mas snob kapa sakanya! You bitch!" ika nito. Putragis! Inaano ko to? Taena sasabunutan ko tong tipaklong nato ng makita niya ang hinahanap niya! Dinamay pa talaga si kuya ng sira ulo! Bagay nga sila ni Darius!
Kahit kating-kati na akong sampalin at sabunutan siya kanina pa, hindi ko nalang siya pinansin.
Tiningnan ko siya ng diretso sa mata ng galit tsaka nagpatuloy sa binabasa. Sabi nga nila, kapag pumatol ka sa sira ulo, mas sira ulo ka. Kaya pinakalma ko muna ang sarili ko.
"Oh, ano ngayon? Di ka maka-react kasi totoo?" tsaka pa siya ngumisi. Faaak naiinis na ako. Ayokong pumatol kasi ayokong magkaisyu ako eh. Pero talagang matagal na akong nagtitimpi sa babaeng to!
Tumayo ako para makaharap siya. Dito ko na susubukan ang sinasabi ni Cath na pagtatanggol sa sarili noon. Ah basta, sinabi niya yon. Kailangan daw ipagtanggol ang sarili kung hindi na maganda o hindi na tama ang ginagawa ng isang tao sayo. Kailangan mong maging matatag sa laban para di ka madaya at matalo. Lumaban ka ng patas. Hindi ka mababagabag ng konsensiya mo kung alam mong mabuti ang hangarin o ginagawa mo.
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
Teen FictionIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))