(Hahaha. Walang kwenta yung title ko. XD joke. Basta yan lang kaya ng isip ko ngayon. Hahaha.
Bakit nga kaya Gatorade ang title? XD)
SAB'S POV
Flashback muna. XD (yung araw na pinapunta kami sa detention room-sa bahay w/ kuya)
"Oy Sab, ano na ngang nangyari sa usapan nung lumabas kami ni Kyle?" asar niyang tanong. Nakakairita na. Paulit-ulit. Pang 17 times niya ng tanong yan simula kanina sa school bago kami umuwi. Oo binilang ko talaga! :P
"Oy Sabrina Kate!" sigaw pa niya habang pababa ako ng kotse. Galit na yan, binuo na pangalan ko eh. Di ko kasi pinapansin.
"Tss. Mamaya na nga kasi. Nakakatamad namang mag-kwento eh. Pahinga muna ako saglit please." sabi ko ng nabubusit narin. Haha. Eh kasi naman, parang ang laki ng pakialam eh. Eh extra lang naman sila. Diba?
"Batukan kita sige pag di mo pa sinabi." pananakot pa niya. Wew. Natakot ako. Haha.
"Eh di batukan mo. Tss. Paki mo ba kasi sa nangyari o sa napag-usapan namin nung wala kayo? Kailan ka pa nagkaroon ng 'pake' sa mga bagay na alam mong hindi naman importante?" tuloy-tuloy kong sabi habang papunta ako ng kusina. Gutom ako!
"Importante siya!" napatigil ako sa aking ginagawa at napanganga naman ako sa sinabi niya. Ano daw? Importante siya?
"Sinong 'siya'?" tanong ko ng seryoso.
"Ah-ano, importante yun. Yung-- yung mga pinag-usapan niyo. Ano nga kasi?" utal-utal pa siya. Wew. Di kapani-paniwala ah.
"Weh? Sino munang importante? Sus. Mga palusot mo talaga kuya, di effective. So, sino nga? Yieeeh. Hahaha." natatawa ako sa mukha ni kuya oh.
"Yes! Namumula si Michael Joshua! Hahaha. Sino na kasi? Di pa sabihin eh." pangungulit ko tsaka pa ako lumapit sakanya para mapagtripan lalo.
"Ayoko nga. Tsk." hala, ang arte nito.
"Ganyan ka. Parang di tayo magkapatid eh no. Sabihin mo na. I know how to keep secrets." sabi ko pa tsaka ngumiti ng pagkahaba-haba.
"Tsk. Wala nga kasi. Sasapakin na talaga kita. Di mo talaga ikukwento?!" tsaka pa nakapwesto na sasapakin 'daw' ako.
"Hindi. Hanggang di mo sinasabi kung sinong 'importante'."
"No. Tell what happened in the detention room first and I promise, I'll tell you who is she." She?
"So babae nga. I see, in love ka kuya!" Apat lang naman kaming babae dun eh.
"In love agad? Tss. Tell me what happened." utos niya pa. Sus!
"Promise sasabihin mo kung sino siya?"
"Yeah." tsaka niya pa itinaas yung kanang kamay niya. "Promise." Paenglish english pa siya ah.
"Sige ah. Promise yan! Kapag di mo yan sinabi, ipagsasabi ko sa mga tropa mo yan tsaka sa mga kaibigan ko. Sa buong campus!"
"Tss. Baliw ka talaga." tsaka niya pa ginulo buhok ko. "Dali kwento mo na."
"Huwag mo ngang hahawakan buhok ko. Ang mahal ng shampoo eh!" hehehehe.
"Kala mo naman ikaw bumibili eh no." oo na hindi nga ako.
"Game kwento mo na. Inuuto mo nanaman ako eh." Haha. Bat alam niya? Joke! XD
So ayun, kinwento ko nga.
BINABASA MO ANG
My Partner :) [On-Going]
Teen FictionIf you are a high school student, you will relate to this story. I promise. :)))