CHAPTER 32

58 5 1
                                    

Chapter 32

Ethos

Ate Sara tapped my shoulder when the plane is about to land. Nakita ko na ang city lights ng Manila nang sumilip ako sa bintana kaya niligpit ko na ang mga gamit ko. I didn't even bother organizing it. I just shoved them inside the bag.

Huli kaming bababa sa plane kaya kahit nagland na, we stayed on our seats. Saka lang kami tumayo nang ubos na ang tao sa loob ng plane. Nagdatingan na din ang security at ibang employee na maghahatid sa amin palabas. We all know that some fans are waiting outside, so they're here to assist us. I got enough sleep the whole flight. Then, pagdating ko sa Manila gabi nanaman. Jet lag talaga. It feels like I time traveled or something.

I smiled on their flashing cameras kahit alam kong mukha akong sabog sa mga picture nila. They were loud pero hindi ko sila gaanong marinig. Umuugong parin ang tenga ko. The securities and some staffs are around me hanggang sa makalabas kami sa airport. Kahit sa labas ng airport, may mga nagaabang pa rin. Now, that I'm already in Manila? How can I escape them?

Tinignan ko si Harris na nasa front seat ng van at may kausap sa phone. It was about another schedule of me, I guess? Sunod ko namang tinignan si Ate Sara na chinicheck ang mga gamit. Hindi ako makaisip ng paraan o dahilan para makaalis ako. Should I call Yvor? But, that jerk won't help me. Hindi ako noon tutulungan lalo na, gabi na. Tatamadin na 'yon.

Napansin kong mapapadaan ang van namin sa The Cube kaya umayos ako ng upo. Nakaisip ako bigla ng idadahilan. I just don't know if they would allow me to get off the van and drop me to the mall, since I am not with Renzo right now. Pwede akong dumugin diyan if ever na makilala ako. Pero bahala na!

"Harris, can you drop me off sa The Cube? Magkikita kasi kami ni Dad diyan, eh" paalam ko.

Sabay sabay naman silang napalingon sa akin. Hindi sila sumagot at mukhang nagduda sa sinabi ko. Shit! One wrong move and I would be suspicious! Nakatingin sa akin si Ate Sara at mukhang binabasa ako. Kinabahan ako bigla. She knows about Avery kaya siguro naghihinala siya ngayon.

"Yeah. Sure" sagot ni Harris kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

"You should call Sir Flynn first. Para masundo siya sa parking lot. He's alone. Baka mapagkaguluhan siya"

Mabilis akong napalingon kay Ate Sara nang magsalita siya. Tinignan niya lang din ako. Fuck! She's really suspicious about what I said! Sabi ko na, eh! She can't be trusted. Isa din siya! Kinabahan naman ako nang tumango si Harris at nagsimulang i-dial ang number ni Dad. I just wish Dad would just say yes!

"Harris, nasa Manila na ba kayo?"

Dahil tahimik sa loob ng van, narinig ko parin ang boses ni Dad kabilang linya habang tinatawagan siya ni Harris.

"Yes, Sir. We will drop Ethos off sa The Cube. Sabi niya po kasi magkikita daw po kayo doon"

Pigil hininga ako habang hinihintay ang sasabihin ni Dad. Dad please! Just say Yes! He must be confused right now since wala naman talaga kaming usapan na magkikita sa mall.

"Uh. Yeah. Sure. I'll call him when you guys get there"

Thank God!

Tinignan ko si Ate Sara at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Hindi ako umimik pero pinakita ko sa kanya na totoo ang sinabi ko kanina. Siya na rin ang nagbukas ng pinto para sa akin. I even brought my luggage dahil dideretso na 'ko pauwi after nito. Hinintay ko muna silang makaalis ng parking lot bago ako naglakad pa labas ng parking. Kinakabahan din ako dahil kahit konti lang ang tao, pwede parin kasing may makakilala sa akin.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon