CHAPTER 2

75 7 0
                                    

Chapter 2

Avery


Agad kong nakita si Jasmine nang makapasok ako sa room. Nakaupo pa siya sa upuan ko at kausap ang iba naming kaklase. Tignan mo 'to. Lumipat pa talaga ng upuan.



"Hi Avery" bati sa akin nung isa kong kaklase na nakasalubong ko sa pinto ng room.


Nginitian ko siya "Hi din" bati ko pabalik.


Tuluyan ko nang nilapitan si Jasmine at tinapik siya sa braso.


"Alis na diyan. Upuan ko 'yan" pagpapaalis ko sa kanya.


"Siga naman nito" reklamo niya at tumayo na.


Tumawa lang ako umupo na sa upuan ko. Umupo na rin siya sa proper seat niya na nasa likod ko lang din naman. Monday na ngayon kaya may pasok na ulit. Buti na nga lang wala kaming kailangan na ipasa ngayon, nakatulog ako ng maaga kagabi. 



"Guys, maghanda daw tayo ng 900 pesos next month sabi ni Ma'am. Hindi ko lang alam kung para saan pero iaannounce nalang daw"


Napalingon ako sa president namin nang magsalita siya.


"Para saan naman kaya 'yan?" tanong ni Jasmine.


Nilingon ko siya "Sa field trip?" hula ko.

Nagkibit balikat lang si Jasmine sa akin.


Napalingon naman ako sa isa kong kaklase nang lumapit siya sa akin at inilahad niya ang kamay niya.


"Avery, ambag mo sa paprint?" tanong niya.


Oh. Yung research nga pala.


Napahinga ako ng malalim at kinuha ang wallet ko. Umalis na rin naman siya agad nang ibigay ko sa kanya ang ambag ko.

"Ang daming bayarin ngayon, ah. Tapos meron pa sa ibang subject" bulong ni Jasmine.


Nilingon ko naman siya. Nagkatinginan lang kami at sabay kaming ngumiti ng malungkot.

Sabay kami ni Jasmine umuwi nang matapos ang klase. Naghiwalay lang kami sa kanto at niyaya akong kitain siya mamayang gabi sa 7/11. Pumayag nalang din ako at umuwi na sa bahay.

"Hi. My baby" bati ko kay Luna nang salubungin niya ako pagpasok ko sa gate.

Kinarga ko siya hanggang sa makapasok ako sa bahay.


"Hi, Ma" bati ko kay Mama na nagtutupi ng damit sa sala.


Nilingon niya lang ako at sinimangutan kaya pumasok nalang ako sa kwarto ko. Agad kong binuksan ang phone ko nang makapagbihis ako. Tahimik akong nagso-scroll sa Twitter nang makabasa ako ng isang tweet. 



 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon