CHAPTER 3

72 8 1
                                    

Chapter 3

Ethos


Napalingon ako kay Dylan nang tusukin niya ng malakas ang nuggets gamit ang tinidor na hawak. Tumunog tuloy ang plato.

"Gusto niyo pa?" tanong ni Haven.

"Busog na 'ko. Ewan ko lang dito" sagot ko at tinuro si Dylan. 

Umiling lang si Dylan at nanuod na ulit sa TV. Nandito kami ngayon sa bahay nila Haven, tumatambay. Nakita kong bumaba si Yvor sa hagdan. Galing ata 'to sa kwarto ni Haven.

"Haven" tawag niya kay Haven at hinagis ang phone nito sa kanya.

Sinalo naman 'yon ni Haven na mukhang kinabahan. Parang gusto kong atakihin sa puso habang sinusundan ng tingin ang cellphone na nasa ere. Bakit niya ihahagis ang cellphone?! Baliw ba siya?!

"Yvor, paano kung hindi ko nasalo?" galit pero malumanay parin na sabi ni Haven.

 

"Then, I'll buy you a new one" ngumisi naman si Yvor nang sabihin niya 'yon.


I can still remember how happy Yvor is last night when Haven kissed him in front of everybody. Parang si Yvor pa ang nagdebut sa sobrang saya niya. Napalingon ako kay Laxus na natutulog nanaman sa couch nila Haven. Akala ko ba may exam siya bukas? Bakit natutulog lang siya?

Hindi ko na siya pinansin at nilabas nalang ang phone ko. Nakita kong may bago siyang tweet kaya agad kong binuksan ang Twitter para tignan 'yon.

 

I wonder what school does she attend

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I wonder what school does she attend.

It's been a month already. Pero wala parin akong nalalaman sa kanya. Ilang linggo na rin nila akong kinukulit na kausapin na si Avery. Alam na kasi nilang.....


Crush ko siya.

 

Hindi ko alam. I was just curious at first then I don't know what happened next. I just found myself saving more pictures of her every time she tweets her selfies...

And smiling through her funny tweets...

I want to know more about her. Gusto ko na ngang tanungin si Kyle, kaso nahihiya ako.

Bumukas ang main door nila Haven kaya napatingin kami doon. Akala namin sila Raven na ang dumating pero si Renzo pala. Akala ko ba hindi siya pupunta ngayon? Mukha siyang nagpa-panic at pinasadahan agad kami ng tingin. Mabilis siyang lumapit sa amin nang makita niya si Haven.

"I need you, Haven"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko mula sa kanya. Imbes na tignan ang reaksyon ni Haven, si Yvor agad ang nilingon ko. Gulat lang siyang nakatingin kay Renzo na mukhang nagtataka.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon