CHAPTER 26

60 5 0
                                    

Chapter 26

Ethos

Busy ako sa pag-gigitara sa kwarto ko. Wala akong gagawin ngayon dahil pinagbigyan ako ni Harris na magkapag-celebrate muna ng pasko bago bumalik sa trabaho. Tyaka isang linggo palang ang nakakalipas simula nung issue. Masyado pang mainit ang mata sa akin ng media.

Napahinto ako sa pag-strum nang may kumatok sa kwarto ko. Agad akong lumapit sa pinto para buksan iyon.

"Sir, nandiyan po 'yung mga kaibigan niyo sa baba"

Napatango naman ako sa kanya. Anong ginagawa nila dito? Hindi ba sila magse-celebrate sa mga pamilya nila?

"Sige po, Ate. Pakisabi nalang po na umakyat sila dito"

Tumango naman siya at bumaba. Binalik ko sa lalagyan ang gitara saka lumabas sa balcony.

Kitang kita mula dito ang pagpasok ng kotse ni Raven at Cody sa gate. Nakita ko pang pinaglaruan ni Cody ang tubig sa fountain wall nang makababa siya.

"Merry Christmas!"

Napalingon ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Austin. Nginitian ko siya at kinuha ang regalo na inaabot niya.

"Pinapabigay 'yan ni Mommy" sabi niya.

"Really? Tell her I said thank you"

"Pansin ko nga, sayo 'yung may pinakamalaking regalo" sabi ni Dylan na kasunod ni Austin na pumasok sa pinto.

"Ano kayang laman nito?" natatawa kong tanong.

"Hindi ko rin alam, eh. Siya 'yung nagbalot" sagot ni Austin.

Nilapag ko ang regalo sa lamesa at umupo sa tabi ni Dylan na humiga sa kama ko.

"Bakit ba kayo nandito? Hindi manlang kayo nagsasabi na pupunta kayo"

"Nagsabi kami, ah" sagot sa akin ni Dylan.

"Hindi ka nagbasa sa GC" sabi ni Laxus at umupo sa sofa.

Kasama niya si Sven na tahimik lang na tumabi sa kanya. Bumukas ang pinto at pumasok si Cody at Raven.

"Hi, Ethos! Merry Christmas!" energetic na bati sa akin ni Cody.


Nginitian ko siya at tumabi naman siya sa akin sa pag-upo sa kama.

"Wala pa si Zach?" tanong ni Raven sa amin.

"Nakikita mo ba dito?" sarcastic na sagot ni Austin.

"Ang lapit lapit lang ng bahay noon! Kabilang kanto lang tas ang tagal tagal pa. Ako nga kabilang subdivision pa! Pwede na nga niyang lakarin papunta dito" reklamo ni Raven.

"Sabi niya on the way na siya, ah?" tanong ni Laxus.

"On the way, pero nasa loob parin ng bahay nila" natatawang sabi ni Dylan.

"15 minutes ka nang naglalakad nasa loob ka parin ng bahay nila" natatawa kong sabi.

"Sa laki ba naman?" natatawa ding sabi ni Austin.

Sabay sabay kaming napalingon sa pinto nang may kumatok at bumukas. Dumating na si Haven at Yvor. Nginitian kami ni Haven at binati nang makapasok siya sa loob.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon