CHAPTER 7

71 7 5
                                    

Chapter 7

Avery

Nandito kami ng mga kaklase ko sa bahay. Gagawa sana ng project. Pero imbes na gumawa, nanunuod kami ng TV. Deadline na nitong project na 'to bukas pero wala pa kaming nagagawa.

Si Rose kasi, kaklase kong patay na patay kay Ethos. Gusto niya daw panuorin.

"Ang gwapo ni Ethos nakakainis" sabi niya nang makita si Ethos sa TV.

Nanuod din ako dahil nasa TV rin si Kyle. May guesting sila sa isang show ngayon.

"I am Ethos"

"Karina"

"Kyle"

"And we will answer fan's common questions!"

Tahimik lang akong nanunuod. Hindi ko kasi kagrupo si Jasmine kaya wala siya ngayon. Kasama niya rin 'yung mga kagrupo niya.

"What do you do on your free times?" basa ni Karina sa nabunot na tanong.

"I sleep" natatawang sagot ni Kyle.

Natawa rin ako "Tama 'yang sinabi niya" sabi ko.

Napatingin sa akin ang mga kaklase ko "Naguusap parin ba kayo?" tanong nila.

Tumango ako "Hmm. Close parin kami"

Bumalik ang atensyon namin sa TV nang magsalita si Karina.

"Ako din. Natutulog lang din ako. Bumabawi sa mga puyat sa taping" sagot ni Karina.

"I hang out with my friends on my free times. Like always" nakangiting sagot ni Ethos.

"Mr. Blake Lacson's son?" tanong ni Karina sa kanya.

Kilala ko si Blake Lacson. Idol 'yon ni Papa. Hindi ko lang alam na close pala si Ethos at 'yung anak noon. Sabagay, wala naman kasi akong paki.

Tumango si Ethos "Yeah. Yvor and the rest of the gang" natatawang sagot ni Ethos.

"Shout out to my friends, hintayin niyo 'kong matapos dito" natatawa pa niyang biro.

Nagtawanan silang tatlo matapos 'yon.

"Kaya rin gusto ko siya, eh. He's funny tapos marami pa siyang kaibigan" sabi ni Rose na parang lalong na-inlove kay Ethos.

Si Kyle ang sunod na bumunot ng tanong.

"What is your ideal type?" natatawang tanong ni Kyle.

Jasmine! Bakit kasi wala ka dito? Edi sana napapanood mo 'to.

"I like girls who is simple, have good sense of humor, smart, cute and owns a dog" natatawang sabi ni Ethos.

"Dog?" tanong ni Kyle.

Napakunot ang noo ko. Anong kagusto gusto sa babaeng may aso? Well, I have Luna—pero hindi kasi 'yon usually sinasagot sa ideal types. Everyone can own a dog.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon