CHAPTER 8

55 6 5
                                    

Chapter 8

Ethos

Nagstay pa ako sa school kahit na uwian na. Sinusulit ko na. Kapag may taping kasi ako or any schedules, maaga akong umuuwi. Pinapanood ko si Sven na gumagawa ng assignment sa harap ko. Bukas pa daw ang due pero ginagawa niya na, para daw wala na siyang gagawin sa bahay nila.Nakaupo kaming dalawa sa high chair at magkaharap.

"Paturo ako"

Lumapit sa amin si Laxus at tumabi kay Sven. Sila kasi ang magkaklase kaya siguro parehas sila ng assignment.

"After this" sagot ni Sven.

Umupo si Laxus sa katabing high chair ni Sven at nangalumbaba sa lamesa. He looks sleepy like usual. Bumukas ang pinto ng HQ at pumasok si Dylan, Raven at Austin. Kakatapos lang ata ng klase nila. Zach is probably at Student Council office, but where is—

"Where's Renzo?" tanong ni Laxus kay Dylan.

"Nagmamadaling umuwi. Sa Dad niya parin ata" si Raven ang sumagot sa tanong.

"Cody's not here?" tanong sa akin ni Austin.

"Still in his class" sagot ko.

Yvor and Haven went out. Probably dating somewhere nearby dahil nandito pa 'yung mga bag nila.

"How did you do that?" tanong ni Laxus kay Sven at tinuro ang gawa nito.

Tinignan ko si Sven at hinintay ang isasagot niya. They're doing calculus.

He shrugged "Kopyahin mo nalang"

Natawa ako sa sagot niya "Tamad na mag-explain" sabi ko.

Binuksan nila Dylan ang TV. Wala naman akong ginagawa dito pero ayaw ko paring umuwi. Nilabas ko ang phone ko at nakitang may tweet nanaman si Avery. She's probably at home by now.

What happened???? I immediately messaged her

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

What happened???? I immediately messaged her. I am kinda worried....

Avery

"Ikaw na" sabi sa akin ni Jasmine.

"Anong ako? Ikaw na!" sabi ko at binigay sa kanya ang pera ko.

Hindi niya iyon tinanggap "Ikaw na. Paano ka matututo niyan?" sabi niya pinilit nanamang iabot sa akin ang pera niya.

"Jasmine, ayoko. Hindi ko kaya"

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon