CHAPTER 38

53 5 0
                                    

Chapter 38

Avery

Kasama ko si Jasmine habang naglalakad papasok sa school. Hawak niya ang bag ko, chini-check ang laman. Lunes ngayon kaya may pasok nanaman. Medyo pagod pa ako at sumasakit ang ulo. Pumasok pa rin ako dahil may test ngayon. Ayoko namang ma-miss dahil lang pagod ako.

"Ayan. Mabuti. May dala kang tissue tyaka extrang damit. Lagi mo 'yan ilalagay sa bag mo, ah?" bilin niya na parang nanay ko.

Inabot niya sa akin ulit ang bag ko "Nagdala ako ng tubig. Kailangan mo 'to lagi" sabi pa niya at pinakita ang tumbler.

"Opo, Nay" biro ko sa kanya at tumawa lang siya.

"Kamusta pala 'yung ex mong saksakan ng pangit?" nakangisi kong tanong sa kanya.

"Ayon. Saksakan pa rin ng pangit" natatawa niyang sagot.

"Eh, ano? Kinausap ka na ba?"

"Wala pa nga sana siyang balak na kausapin ako, eh. Ako pa ang kumausap sa kanya. Umamin naman. May babae nga siya. Sabi ko tama na. Pagod na pagod na 'ko sa kagaguhan niya"

"Final na ba 'yan?" tanong ko dahil baka mamaya prank nanaman.

"Final na 'to. Ayoko na. Paulit ulit naman. Ang tanga tanga ko na. Pinagalitan na nga 'ko ni Mama, eh. Ayaw na daw niyang makita 'yon sa bahay. Minsan kasi pumupunta pa sa bahay"

"Edi mabuti. Ayusin mo na 'yang sarili mo. Hanap ka ng pogi. Lugi ka naman doon sa ex mo, eh. Ganda ganda mo pumapatol ka sa tae"

Tumawa naman siya dahil sa sinabi ko. Hindi na 'ko sumagot dahil nakarating na kami sa school. Mabilis naman naming pinakita ang mga ID namin sa guard. Pinapasok kami agad. Hindi ko alam pero biglang nagtayuan ang balahibo ko nang makapasok ako sa school. Ang weird.

"May nakalimutan ba 'kong assignment?" tanong ko kay Jasmine habang paakyat kami sa building.

"Wala namang assignment ngayon" sagot niya.

"Hindi ka ba kinakabahan? Parang may nakalimutan ako. Iba kutob ko ngayon, eh" sabi ko.

"Baka kinakabahan ka lang sa test. Hindi ka nag-review, no?" natatawa niyang sabi.

"Baka nga" natatawa ko ring sagot.

"Ethos pa more" pang-asar na bulong niya.

Siniko ko siya para sawayin. Tawa lang ang sinagot niya sa akin. Pumasok na kami sa room at ang ingay ingay nila. Nagkukumpol sila sa upuan ni Rose at parang inaasar nila. Nilapag na namin ni Jasmine ang mga bag namin at nakinig sa mga pang-aasar nila kay Rose. Nilabas ko na din ang notebook ko para mabilisang mag-review. Kinakabahan pa rin kasi ako.

"Tigilan niyo na! Baka umiyak" natatawang awat ng isa naming kaklaseng babae sa mga kaklase din naming lalaki na nang-aasar kay Rose.

Inaasar kasi nila si Rose na nananahimik na. Kanina naririnig ko pa siyang tumatawa at sumasagot pa sa kanila. Napipikon na ata sa kanila.

"Sabi ko sayo Rose, eh. Di ka nga kilala niyan. Patay na patay ka pa. Nung nagpunta nga dito hindi ka manlang nakita" pang-asar ng kaklase kong lalaki kay Rose.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon