CHAPTER 31

50 6 0
                                    

Chapter 31

Avery

Pinatong ko ang mga binti ko sa arm rest ng upuan. Buti nalang at naka-PE ako ngayon, makakaupo ako ng maayos. Wala kaming ginawa ngayon dahil kakabukas palang ng klase matapos ang christmas break. Nasa bakasyon pa rin kasi ang diwa naming lahat. Wala pa kaming gana mag-aral.

"Gusto mo?"

Napalingon ako kay Jasmine nang alukin niya ako ng hawak niyang chichirya. Dumukot ako pero napasingot ako dahil naramdam kong inipit niya ang kamay ko.

"Hindi ka naman nagdadamot niyan?" naiinis kong tanong.

Tumawa lang siya at pinabayaan na akong dumukot. Nakisali ako sa bilog ng mga kaklase kong nagdadaldalan tungkol sa mga naging christmas break nila. Namiss ko 'yung daldalan nila, ah.

"Nagpunta kami sa Tagaytay kasi may kamag-anak kami doon, eh. Kaya na-enjoy ko ng sobra 'yung break" kwento ng isa kong kaklase.

Mahina akong tumawa at nakinig lang sa mga kwento nila. Nandito din sa bilog si Jasmine at namimigay ng chichirya niya. Lumapit sa bilog si Rose at pinatong ang baba niya balikat ko. Napangiti naman ako. Imbes na mailang ako sa ginawa niya, natuwa pa 'ko. Clingy naman talaga siya kahit sa iba naming kaklase. Pero ngayon niya lang kasi 'to ginawa sa 'kin. Medyo ilag kasi siya sa akin dati. Hindi ko alam kung bakit.

"Kamusta break mo?" tanong niya sa akin.

Napangiti naman ako bago sagutin ang tanong niya.

"Masaya. Kaming dalawa lang ni Mama tapos may pumuntang kamag-anak nung New Year. Ikaw?" tanong ko at bahagya siyang nilingon nang alisin niya sa balikat ko ang baba niya.

"Okay lang. Masaya din naman. Lola ko parin ang kasama ko" sagot niya.

Ngumiti naman ako at wala nang sinabi. Medyo kakaiba si Rose ngayon? Parang pinapakita niyang masaya siya pero malungkot talaga siya? Feeling ko may gusto siyang sabihin kaso hindi niya mailabas?

"Nga pala! Nalaman mo na 'yung tungkol kay Ethos?" tanong niya bigla.

Ako naman ang nawala ang ngiti nang banggitin niya ang pangalan ni Ethos. Ano ba naman! Okay na 'ko, eh! Tanggap ko nang na-ghost ako. Okay? Pero teka- 'yun ba 'yung dahilan kaya mukha siyang down ngayon? Nalaman niya rin 'yung tungkol kay Ethos?

"Ah! 'Yung tungkol ba sa kanya tyaka doon sa skater?" tanong ko.

Tumango naman siya kaya nalaman kong tama nga ang pagkakaintindi ko sa sinasabi niya.

"Nalungkot ako doon sa totoo lang. Alam ko naman na magkakilala na sila kahit nung mga bata pa sila kaya hindi malabo na baka nga silang dalawa talaga. Tingin ko kasi kay Ethos, mago-open siya sa taong kilala na siya dati pa. Kaya ayon...." nagkibit balikat siya at tumawa.

".....masaya naman ako kasi masaya si Ethos" tuloy niya sa sinasabi niya.

Tipid naman akong ngumiti. Napaisip tuloy ako. Kung si Rose nga, ganito na mag-react. Paano pa kaya ako? Diba? Sana pati ako, kayang maging masaya para sa kanya kahit na hindi lang naman talaga niya ako fan 'lang'. Ang hirap kasi. Ayaw ko pang maniwala sa mga nababasa ko dahil may tiwala pa 'ko kay Ethos. Pero hindi niya rin kasi ako kinakausap kaya hindi ko alam kung anong iisipin ko. Lalo na, hindi ko naman alam ang stand ko. Hindi ko alam kung ano bang dpaat kong i-react. Hindi naman niya ako girlfriend.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon