CHAPTER 17

41 6 0
                                    

Chapter 17

Ethos

As soon as we got inside the studio, si Kyle agad ang bumungad sa amin. Palabas sana siya sa pinto kaya nagkasalubong kaming dalawa. Nginitian niya kami nila Ate Sara at Harris. Tumabi naman siya sa dadaanan para makapasok kami. Naalala ko tuloy 'yung kagabi. That shit was terrifying. She almost caught me! Sabi ko na, eh. May isang beses talagang madudulas ako.


"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Kyle nang mapansin kong papalabas siya ng studio.


"Sa Cafe sa baba. Maaga pa naman, eh. Sama ka?" nakangiti niyang tanong.

Nilingon ko si Harris at Ate Sara na narinig ang tanong ni Kyle "Can I?" tanong ko kay Harris.


"Yeah. Sure. Tatawagan nalang kita pag start na" sagot ni Harris.

Agad ko namang kinuha ang phone ko sa bag at sumama kay Kyle papunta sa Cafe.

Wala pa gaanong tao nang pumasok kami sa loob kaya nakahanap kami agad ng mauupuan matapos naming umorder. Sa pinakasulok kami umupo. Pinatong ko ang phone sa lamesa para makita ko agad ang tawag ni Harris. Naka-silent pa naman ako.


"Buti nalang may ganito dito sa loob ng building. Hindi kasi ako nakapag-almusal kanina, eh" sabi ni Kyle.

Humiwa siya sa slice ng mocha cake na in-order niya. Nakapagbreakfast ako sa bahay kanina kaya iced coffee lang ang in-order ko.

"Bakit? Nagmadali ka kanina?" tanong ko habang hinahalo ang iced coffee gamit ang straw nito.

"Oo. Tinanghali ako ng gising, eh. Nagising nalang ako na nasa labas na ng bahay sila France"

Pinunasan niya ang bibig niya gamit ang tissue bago nagsalita ulit "Si Avery kasi, eh. Madaling araw na tumawag pa. Napuyat tuloy ako"


Napalingon ako nang banggitin niya si Avery. She called him last night? We finished talking at 12 midnight. So, she called him after our convo?

"Oh? Your bestfriend?"

I acted as if I know nothing about her. I don't want him to think that I am interested with his bestfriend. When the truth is, I am highly interested and ready to risk everything for her.


"Oo. Tas ayon, di na 'ko nakatulog ulit kasi nawala na 'yung antok ko"

Tumawa ako "She disturbed your sleep, huh?"

Tumawa din siya at umiling "Nah. It's fine. I'm always up for her"


Napatitig ako kay Kyle nang sabihin niya 'yon. Does he like Avery? Sinabi niya lang bang hindi niya gusto si Avery dati dahil natatakot siya? Dahil alam niya 'ring bawal 'to?

Now, this breaks my heart. If Kyle really likes Avery. Then, he got more chance of getting her than I have. I saw the way they look at each other yesterday. How clingy and sweet they are with each other. It really makes sense.



Hindi na 'ko nagsalita hanggang maubos ang iced coffee ko. Hindi pa nagsisimula ang practice, pero pakiramdam ko tuloy pagod na 'ko. Nawala ako sa mood bigla.



Napalingon ako sa phone ko na umilaw. Di ako kinabahan dahil akala ko si Harris.



Pero mas lalo pala dapat akong kabahan. Dahil nga naka-notification turn-on ako sa account ni Avery, lumalabas sa akin kapag nagtitweet siya. Mabilis ko 'yon dinampot bago pa makita ni Kyle. Tinignan ko ang tweet niya at mas lalo pa akong kinabahan.


Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon