CHAPTER 36

36 5 0
                                    

Chapter 36

Avery

Tinulungan ko si Jasmine sa pagpipintura ng props namin. Iniingatan kong hindi mamatsahan ang t-shirt kong puti dahil lagot ako kay Mama. Bakit kasi hindi nila sinabing magpipintura, nagsuot tuloy ako ng puti ngayon. Edi sana nakapaghanda ako.

"Tapos ka na diyan?" tanong ni Jasmine sa akin at tinuro ang kinabit na mga box ng zesto na napinturahan na.

"Oo. Ikakabit nalang 'yan doon" sagot ko.

"Tara! Bili muna tayo ng palamig. Nauuhaw na 'ko, eh" yaya niya sa akin kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko.

Tapos na talaga ang klase namin kanina pang ala-una pero nandito pa rin kami sa school para ayusin ang props namin. Magkakaroon kasi ng role play sa lunes. Hindi kasi ako kasali sa mga aarte kaya no choice ako kung hindi tumulong sa props para may silbi ako. Nilibre ako ng palamig ni Jasmine nang makalabas kami sa gate. Mabuti nalang dahil nauuhaw na din ako.

"Edi legal na pala kayo both sides kasi nag-meet the parents na kayo, eh?" bigla niyang sabi nang lapitan niya ako na naghihintay sa gilid.

Nginingisihan niya ako na parang nang-aasar. Ngumisi naman ako pabalik "Ayos ba?"

"Ayos na ayos! Sa akin naman next" sabi niya.

"Kilala na 'ko ng mga kaibigan niya kaya dapat ikaw din kilala na niya. Next time, papupuntahin ko kayong dalawa sa bahay para magkita kayo" sagot ko.

"Sabihin ko baka may single siyang tropa" nakangisi niyang sabi.

Napairap ako "Meron pero ikaw naman ang hindi single! Tigilan mo 'ko, Jasmine. Tanga tanga ka sa jowa mong pangit"

"Napakasama talaga ng bibig mo eh, no?" nakangisi niyang sabi na parang hindi manlang na-offend.

"Avery pa ba? Lagi naman, eh"

Sabay kaming napalingon nang may epal na sumabat sa usapan namin. Buti nalang at hindi nagbabanggit ng pangalan 'tong si Jasmine. May nakikinig pala sa likod.

"Cy, sabihan mo nga 'yang ex mo!" natatawang sabi ni Jasmine at tinuro pa 'ko na parang nagsusumbong siya kay Cyril.

"Gago" mura ko sa kanya.

"Hindi ko ex 'yan!" ngumingising sabi ni Cy.

Aba! Kapal ng mukha nito! Parang nandiri pa siya!

"Parang nandidiri ka pa, ah? Pakayabang mo! Parang di mo 'ko iniyakan, ah!" natatawa kong sabi.

"Ang yabang mo nga din! Parang hindi mo 'ko sinabihan na ready kang maghintay sa initan, makasabay lang akong umuwi, ah!"

Lumakas ang tawa ni Jasmine nang patulan ako ni Cyril. Kapal ng mukha nito. Sana pala hindi ko nalang siya hinintay noon. Nakakapangsisi, ah!

"Ready palang magsun bathing, eh!" gatong ni Jasmine.

"Sige! Pagtulungan niyo 'kong dalawa"

Nagtawanan lang si Jasmine at si Cy matapos ko silang tarayan. Umalis na din si Cy dahil tapos nang bumili ang kaklase niya. Sinamahan niya lang ata.

Pinagmasdan pa namin siya ni Jasmine habang papalayo siya. Napangiti ako nang makita kong nilapitan ni Cy 'yung babaeng naghihintay sa tabi ng gate. Kilala ko siya. Siya 'yung bagong girlfriend ni Cy. Nakita kong nag-post si Cy ng picture nila kagabi.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon