CHAPTER 29

53 5 0
                                    

CHAPTER 29

Avery

Busy ako sa pakikipaglaro kay Luna sa sala nang lumapit si Mama sa akin para alukin ako ng pagkain na hawak niya. 

"Kuha ka" pa-utos niyang pag-alok.

Tinignan ko muna ang pagkain at agad akong napangiwi. Bakit ba kanina pa 'ko pinapaalalahanan tungkol kay Ethos? Ano ba! Bumuntong hininga ako at kumuha nalang sa inaalok niyang cheese bread. Favorite food 'to ni Ethos, eh!

Masama ang loob ko habang ngininguya ang tinapay. Lampas bente quatro oras nang hindi nagpaparamdam si Ethos. Nakakasama ng loob. Sabi pa naman niya bago siya umalis, sasabihan niya ako kapag nakarating na siya doon. Unless busy siya. Eh, kahit naman hindi siya busy, hindi parin niya ako sasabihan dahil binibigyan niya ako ng space!

Bwisit na space 'yan! Hindi ko naman hinihingi.

Kinuha ko ang phone ko habang hawak sa kaliwang kamay ang tinapay. Nakita kong alas nuebe na dito. Alas otso na siguro ng umaga doon dahil 13 hours ahead ang Pilipinas sa New York. Nag-scroll ako s Twitter dahil naghahanap ako ng update kay Ethos.

Napaayos ako ng upo nang makita ko ang isang link sa Youtube. Na-excite ako at agad na pinindot 'yon dahil sabi, kumanta daw si Ethos sa isang talk show. Agad akong tumayo at pumasok sa kwarto ko para medyo tumahimik ang paligid. Napatingin pa sa akin si Mama nang isara ko ang pinto pero hindi naman na niya ako tinanong.

Pinlay ko ang video at nakita kong nakaupo si Ethos at Karina sa isang sofa. May hawak si Ethos na gitara at tinutulangan naman siya ni Karina sa paghawak ng mic. Hindi ito ang buong video ng interview nila. Clip lang pala 'to sa pagkanta ni Ethos.

"To be young and in love in New York City"

Kasabay ng pag-ngiti niya ang pag-ngiti ko din. Galit ako sa kanya pero hindi ko rin maiwasang maging masaya sa kanya.

Nakakanta na din siya sa harap ng camera...

"To not know who I am but still know that I'm good long as you're here with me"

Yumuko siya para tignan ang strings ng gitara. Napangiti ako at umupo sa kama. I am so proud of him. Natatakot pa siya dating ipakita 'yung talent niya,  kasi natatakot siya na baka maraming masabi sa kanya. But, here he is.

"To be drunk and in love in New York City

Midnight into morning coffee

Burning through the hours talking"

"Damn"

Sumabay ako ng pagbulong sa kanya. Napangiti siya sa camera bago dumating sa chorus.

"I like me better when I'm with you

I like me better when I'm with you

I knew from the first time, I'd stay for a long time 'cause

I like me better when

I like me better when I'm with you"

Napaisip tuloy ako.

Ako kaya 'yung iniisip niya habang kumakanta? Ang dami ko tuloy naiisip. Naiisip niya parin kaya ako kahit binigyan niya ako ng space? Nakakaya niya akong hindi kausapin?  Okay naman sana sa akin kahit hindi siya magparamdam, eh. Iisipin ko lang noon, busy siya kaya hindi siya makakapag-message. Pero dahil doon sa huli naming usap, iba tuloy 'yung nasa isip ko.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon