CHAPTER 1

111 8 1
                                    

Chapter 1

Ethos

Sinara na ni Sara ang pintuan ng van kaya sinandal ko na ang likod ko at saka pumikit. Naririnig ko parin ang sigawan ng mga tao kahit nasa  loob na ng van pero hindi na 'ko umimik.


I feel exhausted.



Dinilat ko ulit ang mata ko nang umandar na ang van. Nilingon ko ang PA ko na si Sara.


"Ate Sara, nasaan yung bag ko?" tanong ko sa kanya.


"Ito" inabot niya naman ito sa akin.


Nagsuot ako ng airpods saka kinuha ang phone ko sa loob ng bag. I played a song at nagbalak nang matulog.


Nagising lang ako ulit nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Tinignan ko ang paligid at nasa byahe pa rin kami. Malayo layo pa sa bahay. Tinignan ko ang phone ko at agad akong napangiti nang makita kong si Mommy ang nagtext.



In-open ko ang camera ng phone ko para sana picturan ang daan at i-send kay Mommy kaso—

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

In-open ko ang camera ng phone ko para sana picturan ang daan at i-send kay Mommy kaso—


"What the heck is this?" mahinang bulong ko.


Napalingon sa akin si Ate Sara pero nginitian ko lang siya kaya nag-iwas na siya ng tingin. Pinindot ko ang camera roll at napakunot ang noo ko. Sino 'to???



Ini-scroll ko pa ito pababa at nakita ko na ang dami niyang picture sa phone ko.

Teka.....


Bigla kong naalala 'yung babaeng kasama ni Kyle kanina.



Siya nga 'to!Pero bakit siya nagselfie sa phone ko?



Napailing nalang ako at ni-replyan nalang si Mommy. Pinikit ko na ulit ang mata ko hanggang sa maramdaman kong huminto ang van. Nakita kong papasok na kami ng gate ng Forbes Park kaya umayos na 'ko. Kinausap pa sandali nung driver yung guard bago kami pinapasok. 



Hininto nila ako sa tapat ng gate ng bahay.


"Harris, wala naman akong schedule bukas diba?" tanong ko kay Haris na manager ko nang makababa ako sa van.


"Wala naman. You can rest tomorrow" sabi niya habang nasa loob parin ng van.


"Pupunta kami sa Batangas bukas. Kasama ko sila Yvor"


Tumango siya "Sige"


Kilala naman niya si Yvor kaya siguro pumayag siya agad. Umandar na ulit palabas ng gate ang van kaya naglakad na 'ko papasok sa bahay. Binati ako ng isang maid na nakasalubong ko kaya nginitian ko siya.



"Nasaan po si Mommy?" tanong ko.


"Nasa koi pond po"


"Sige po. Salamat"


Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon