CHAPTER 27

52 6 0
                                    

Chapter 27

Avery

Tahimik kaming nakaupo ni Jasmine sa room. Katabi ko sa kaliwa si Rose na busy sa Twitter at dinadaldal ako. Ngumingiti lang ako at tumatango sa mga sinasabi niya. Hindi ko kasi alam kung paano magre-respond sa mga sinasabi niya. Walang pasok pero nandito kami ng mga kaklase ko sa school para magpasa ng final research.

"Ang dami na agad naghihintay sa airport. Eh, bukas pa naman ng madaling araw ang alis ni Ethos" sabi ni Rose sa akin.

Kanina pa niya binabanggit si Ethos. Nakakatuwa din kasi medyo humupa na 'yung issue. Wala na rin akong nakikitang tweet na tungkol sa kanya. Naayos na din ng AMBN 'yung issue. Napatunayan ngang hindi niya ginawa 'yon dahil tinulungan sila nung night club na nabanggit sa pagpapatunay. Binura na din 'yung tweet. 

"Anong handa niyo ni Tita kahapon?" tanong bigla ni Jasmine sa akin.

"Nagsalad kami tyaka menudo. Dalawa lang naman kami, eh. Kaya konti lang. Naghanda kami para naman ma-celebrate namin 'yung pasko. New Year nalang kami maghahanda talaga kasi may bisita daw kami noon" sagot ko.

Tumango siya kaya siya naman ang tinanong ko sa handa nila "Kayo? Anong handa niyo? Niyayaya kita kahapon, sabi mo may bisita kayo"

"Pumunta 'yung mga pinsan ko, eh. Mamaya nalang ako pupunta sa inyo para makikain" sabi niya at tumawa.

"Wow. Avery ang ganda ng bracelet mo, ah"

Napalingon ako kay Rose nang bigla niyang hawakan ang braso ko at inangat ito para makita niya ng maayos ang bracelet na suot ko. 'Yun 'yung bracelet na binigay ni Ethos nung isang gabi. Ngumiti lang ako dahil ayokong madulas na si Ethos ang nagbigay. Mahirap na.

"Ni-regalo ba 'to sayo o binili mo para sa sarili mo?" tanong niya.

"Ni-regalo 'yan" sagot ko.

"Tingin nga" sabi ni Jasmine at tinignan din ang bracelet.

"Love bracelet 'to, eh. Siguro 'yung bebe mo 'yung nagbigay niyan, no?" tanong ni Rose.

"Hmm. Sa kanya nga galing 'to" natatawa kong sabi.

"Ang sweet naman niya. Kailan mo ba siya ipapakilala sa amin? Gusto ko na siyang makita" nakangiting sabi ni Rose sa akin.

Nagkatinginan kami ni Jasmine. Gusto ko tuloy tumawa.

"Tyaka nalang kapag kami na talaga" sabi ko.

"Uy. Sasagutin niya" sabi ni Jasmine.

"Hindi pa pala kayo? Akala ko boyfriend mo na" sabi ni Rose.

Umiling ako "Hindi pa"

"Bakit naman?" tanong niya ulit.

"Hindi pa kasi ako ready. Ayaw niya daw akong biglain. Dahan dahan muna" sagot ko.

Tumango naman siya at humarap na ulit sa phone niya.

"Sabagay. Baka maging Cyril din siya" bulong ni Jasmine sa gilid ko kaya nilingon ko siya.

 Aba! Inungkat pa. Tinawanan lang niya ako.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon