CHAPTER 35

62 5 0
                                    

Chapter 35

Avery

Kinalabit ko si Ethos nang matanaw ko ang mga taong unti unting lumalabas sa airport. Agad ko namang binantayan kung lalabas na ba si Papa. Ang alam ko kasi, kanina pa ang dating niya kaya for sure naghihintay na siya dito.

"Pwede na siguro dito, Miggy. Dito nalang natin siya hintayin" sabi ko kay Ethos at agad naman niyang tinabi ang kotse sa gilid.

Sumama si Ethos sa pagsundo namin kay Papa. Mabuti na din 'yon dahil nag-offer siya na kotse nalang nila ang gagamitin. Hindi na kami namrublema ni Mama ng aarkilahin na van.

"Dito na ba?" tanong ni Mama habang nakatapat ang phone tenga. Tinatawagan niya ata si Papa.

"Opo, Tita. Terminal 1 na po 'to" sagot ni Ethos habang sumisilip din sa labas.

Naka-shades si Ethos ngayon at naka-baseball cap. Baka daw kasi may makakita sa kanya, umaga pa naman. Tirik na tirik ang araw. Buti na nga lang daw at wala siyang schedule ngayon kaya nakasama siya. Kinakabahan tuloy ako kung anong pwedeng maging reaksyon ni Papa mamaya kapag pinakilala ko na siya. Hindi naman ako noon nahirapan kay Mama dahil kilala naman na niya talaga si Ethos.

"Avery, ayon na!" sabi ni Mama at kinalabit ako mula sa likod para ituro sa akin si Papa na tulak tulak ang mga gamit niya.

Agad namang sinuot ni Ethos ang surgical mask niya at lumabas para samahan kaming salubungin si Papa. Mabilis akong tumakbo papalit kay Papa habang wala pang dumadaang sasakyan. Hindi pa niya ako agad napansin na palapit dahil busy siya sa phone. Tine-text ata si Mama na nakalabas na siya. Hindi niya alam na nasa likod niya na 'ko.

"Pa!" sabi ko at niyakap siya sa likod.


Naramdaman kong nagulat siya sa akin kaya napalingon siya. Napangiti siya nang makita akong nakayakap sa kanya.

"Kanina pa kayo?" tanong niya at ginulo ang buhok ko.

Agad ko naman inayos ang buhok ko at umiling "Kakarating lang din namin, Pa"

Hindi ako sinagot ni Papa kaya tinignan ko ang tinitignan niya. Nakatingin siya kay Mama na pinagbuksan ni Ethos ng pinto. Napakunot ang noo ni Papa at tinuro sila.

"Akala ko ba... van ang sasakyan natin? Hindi van 'yan, Avery. Rolls Royce 'yan"

Awkward naman akong natawa dahil hindi ko alam kung paano babanggitin kay Papa na boyfriend ko si Ethos. Hindi ko alam kung paano nalaman agad ni Papa ang klase ng kotse kaya napakamot nalang ako sa batok.

"Dapat nga, Pa. Kaso nagsabi si Ethos na kotse nalang nila 'yung gagamitin" mahina kong sagot.

"Ethos? Sinong Ethos?" tanong niya sa akin.

Tinanggal ni Ethos ang baseball cap niya para magmano saglit kay Papa. Hindi naman ako nakapagsalita dahil alam kong nakukuha ni Papa ang nangyayari. Buti nalang at wala gaanong tao kaya hindi gaanong nakakatakot na baka may makakita kay Ethos.

"Good afternoon po, Sir" pormal na bati ni Ethos kay Papa.

Hindi sumagot si Papa at tinignan lang si Ethos na nagtataka. Nilingon naman ako ni Ethos na parang nanghihingi ng tulong. Kahit naka-shades siya, nakikita ko na parang kinakabahan siya sa reaksyon ni Papa. Napansin naman 'yon ni Mama kaya siya ang unang nagsalita.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon