CHAPTER 21

50 6 3
                                    

Chapter 21

Ethos


Hindi ako dumiretso ng uwi. Pakiramdam ko kasi mababaliw ako kapag umuwi ako at ako lang mag-isa sa kwarto ko. Kaya pumunta muna ako kila Yvor. Baka sakaling kumalma ako. Sinabi ko sa kanya 'yung nangyari kanina at natawa siya. Bakit daw kasi hindi ko naisip na pwede niyang malaman kung sino ako dahil sa birthday.

"Para kang gago. Namumutla ka. Mukha kang na-trauma na ewan"


Nilingon ko si Yvor na nakahiga sa kama niya. May hawak siyang phone  pero nakatingin siya sa akin. Nakaupo naman ako sa sofa ng kwarto niya at nakasandal.


"Kung ikaw din naman 'yung nasa posisyon ko kanina"

 

Malaya siyang nakakapagmura ngayon dahil wala si Haven. Naalala ko tuloy bigla si Haven kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinilip ang bahay nila mula sa bintana.


"Nandiyan sila Haven?" tanong ko nang makitang nakapatay ang ilaw sa bahay nila.


"Wala. Umalis sila. Family dinner kasama daw 'yung pinsan niyang galing sa US. Kikitain daw muna nila bago umuwi sa Cebu"


Tumango naman ako. "Hindi ka sumama?"

"Hindi. Hindi naman ako niyaya, eh"

 

Natawa ako pero tinignan niya lang ako na parang tinatanong kung anong tinatawa tawa ko. Nakita ko mula sa bintana ang paparating na puting Range Rover. Bumusina ito nang tumapat sa gate. Pinagbuksan naman siya ng maid.

"Nandiyan na si Kira"


"Lagot 'yan kay Daddy gabi na umuuwi"


Oo nga. Mag-aalas nuebe na ng gabi. Bumalik ako sa sofa at nilabas ang phone ko. Hindi ko alam kung paano kakausapin si Avery ulit. Lalo na alam niya na kung sino ako. Nakakatakot. Bumuntong hininga ako at nag-type ng sasabihin. Pikit mata ko itong sinend at hinintay ang reply niya.



 Pikit mata ko itong sinend at hinintay ang reply niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I'M GLAD SHE STILL REPLIES. Wag lang sana siyang maging cold....


 Wag lang sana siyang maging cold

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon