CHAPTER 34

65 5 0
                                    

Chapter 34

Avery

Binigay ko na ang ticket ko sa mga nagbabantay sa gate. Agad naman nila akong pinapasok matapos nilang i-check. Inikot ko ang mata ko para hanapin si Jasmine. Hindi kasi ako sumabay sa kanya, eh. Pinauna ko nalang siya para i-save ako ng upuan. Nasaan na kaya 'yon?

Pumunta ako sa bleachers para hanapin siya. Ang dami pa namang tao dahil nandito lahat ng year level. Una kong nakita si Cy kasama ang mga kaklase kong lalaki. Pinagmasdan ko kung sino ang mga katabi nila kaya agad ko ring nakita si Jasmine. Kasama niya rin pala 'yung mga kaklase namin. Agad namin akong bumaba para lumapit sa kanila.

"Bakit hindi ka pumasok kanina?" tanong sa akin ni Jasmine nang makalapit ako.

Kinawayan ako ni Rose kaya binati ko siya. Umusog pa siya para paupuin ako sa gitna nila ni Jasmine.

"Sumakit 'yung ulo ko, eh. Sa period ko siguro" sabi ko at tuluyan nang umupo.

"Sino kayang special guest ngayon?" tanong ng kaklase kong babae na nakaupo sa mas mataas na baitang ng bleachers.

"Kapag si Kyle ang special guest ngayon, tulungan mo 'kong magpapicture, ah? Para ka namang hindi kaibigan niyan" sabi agad sa akin ni Jasmine.

"Oo nga, Avery. Close mo pa rin naman siya, diba?" sabi ng isa ko pang kaklase.

"Oo, Syempre. Tutulungan ko kayo pero wag niyong pagkaguluhan, ah? Bawal kasi 'yon, eh" sagot ko.

"Dapat mauuna ako" bulong sa akin ni Jasmine.

"Kahit mauna ka pa sa 'kin" sarcastic kong sagot sa kanya.

Namatay na ang ilaw sa court kaya tawa nalang ang naisagot ni Jasmine. Punong puno ang court kaya medyo mainit. May mga nakaupo na rin sa sahig dahil wala nang maupuan. Halos wala nang madaanan. Sanay naman na kaming lahat. Ganito talaga dito.

Inumpisahan nila ang program sa prayer kaya lahat kami tumayo. Napatingin ako sa gilid ko nang mapansin kong may nakatingin. Si Cy, nginingitian ako. Nginitian ko rin naman siya pabalik at nag-iwas na ng tingin. Naalala ko tuloy 'yung last year. Ito rin 'yung gabi na nag-surprise si Cy sa akin pero tinakbuhan ko siya. Isang taon na rin pala...

Natapos na ang pagdadasal kaya pinaupo na kaming lahat. Umakyat naman sa stage ang history teacher namin. Siya siguro ulit ang organizer ng foundation night this year.

"Ready na ba kayong malaman kung sino ang special guest natin this year? Gusto niyo bang hulaan? Tingin niyo sino?" excited na sabi niya sa mic.

Hindi ko na narinig ang mga hula nila dahil nilabas ko ang phone ko para tignan kung may message ba si Miggy. Hindi naman ako nag-eexpect dahil baka busy siya pero meron nga.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon