CHAPTER 4

65 7 2
                                    

Chapter 4

Avery


Nagpasalamat na kami ni Jasmine sa babae at saka kinuha ang mga papel na pinaprint namin.

Napabuntong hininga si Jasmine nang makalabas kami sa Copytrade.

"Avery, ang sarap magMcDo ngayon" nakapout niyang sabi.

Ngumisi ako "Oo nga. Kaso wala na tayong pera. Nagastos na natin diyan sa paprint kaya manahinik ka" sabi ko.

Nagpunta kami ni Jasmine sa mall para magprint sa research, kaso nandedemonyo nanaman ng pagkain 'tong kasama ko. Wala na nga kaming pera, eh.

"Sige. Kumain ka pero hindi na tayo makakauwi" natatawa ko pang sabi.

"May pera ka pa naman. Ang yaman yaman mo. Ikaw pa mawawalan ng pera?" tanong niya.

"Oo. Gago ka ba? Anong tingin mo sa 'kin nagtatae ng pera? Tyaka naibayad ko na sa field trip 'yung pera ko kanina" sabi ko.

"Wala ka nang pera?" gulat na tanong ni Jasmine.

Ang kulit naman ng lahi nito. Hindi talaga naniniwalang wala akong pera.

"Meron pero syempre baon ko pa 'yon sa linggo na 'to. Alangan namang hindi ako kumain" sabi ko sa kanya.

"May bayaran pa bukas sa janitorial tapos may sinasabi pa na module sa Philosopy" sabi ni Jasmine.

Nawala naman ang ngisi ko. Hindi pa pala tapos ang bayaran.

"Halika na, Jasmine. Umuwi na tayo bago pa tayo matukso na bumili ng bumili dito" sabi ko at kinuha ang braso niya.

Hinila naman niya ang braso niya at tumawa "Teka lang yung pinapabili pa ni Mama" sabi niya.

Binitawan ko naman siya at nagpunta na kaming dalawa sa department store.

Habang namimili si Jasmine sa pinapabili ng Mama niya, tumingin tingin din naman ako.

Lumapit ako sa nakita kong converse shoes. Ilang taon na din naman yung sapatos ko kaya baka dapat ko na ding palitan.

Tinignan ko ang price tag nito. Hindi nga lang kasya ang dala kong pera ngayon pero afford ko naman.

Lumapit sa akin ng sales lady kaya tinignan ko siya.

"Ano pong size, Ma'am?" tanong niya.

"Size 6 po. Kaso po di po muna ako bibili ngayon" natatawa kong sabi.

Natawa rin siya "Sige Ma'am. Titignan ko po. Para pagbibili na kayo, sure nang meron kayong mabibili" nakangiti niyang sabi.

Napangiti rin tuloy ako. Sa lahat ng sales lady na nakilala ko, siya ang pinakamabait.

"Sige po" sabi ko.

Bago siya umalis, tinignan ko muna ang name tag niya. Paige.

"Tara na"

Napatingin ako kay Jasmine nang lumapit siya. Tapos na ata siyang bumili dahil may bitbit na siyang plastic.

"Teka lang" sabi ko sa kanya.

"Bakit?"

Nakita ko nang papalapit si ateng sales lady na Paige ang pangalan.

"Ma'am, sorry po pero wala na pong size 6" sabi niya.

Nginitian ko naman siya "Okay lang po. Thank you" sabi ko.

"Thank you din" sabi niya.

Umalis na kami ni Jasmine doon at naglakad na papalabas ng mall.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon