CHAPTER 39

62 5 12
                                    

Chapter 39

Avery

Hawak ni Rose ang kamay ko habang kumakain siya ng ice cream sa kabilang kamay. Nakalingkis naman si Jasmine sa kabila kong braso. Hindi ko alam sa dalawang 'to kung bakit ganito kumapit. Parang mga anak kong takot mawala.

"Sure ka na bang sigurado ka?"

Nilingon ko si Jasmine nang tanungin niya ako ng pabulong, parang ayaw iparinig kay Rose ang sinasabi niya. Mahina naman akong natawa.

"Ano? Ayusin mo nga 'yang tanong mo" natatawa kong sabi sa kanya.

Sure na nga, sigurado pa. Gulo, eh. Natawa din siya nang ma-realize niyang ang tanga ng tanong niya. Saka naman niya inayos "Gaga. Syempre. Tatanungin kita kung sure ka ba dito kasi... alam mo na..."

Tinignan niya ako na parang sinasabi niyang gets ko na kung ano 'yung gusto niyang iparating. Tumango naman ako at nag-iwas na ng tingin. Nag-aya ulit si Rose na pumunta sa mall show ni Ethos. Pinipigilan ako ni Jasmine pero pumayag pa rin ako. Wala na din tuloy nagawa si Jasmine kundi samahan nalang ako. Malayo 'tong mall sa lugar namin pero dinayo pa talaga namin. Ililibre naman daw kami ni Rose ng pamasahe, eh.

"Hala. Late na tayo" malungkot na sabi ni Rose saka binitawan ang kamay ko para tumakbo papalapit sa railings.

Hindi na kami lumapit pa sa baba dahil sobrang dami na ng tao. Hindi na rin kami makakalapit sa barricade. Tyaka ayoko din namang lumapit. Sumandal kaming tatlo sa railings. Kitang kita mula dito sa second floor ang mga tao.

Malungkot akong napangiti habang pinapanood si Ethos. Kanina pa ata siya nag-show, hindi na namin nasimulan. Masaya ako para sa kanya kasi sinimulan na ulit 'yung promotions ng album niya. Isang linggo din 'yong nahinto. Tyaka natuloy 'yung release ng Last Kill Sunday nung nakaraang araw at successful naman. 

"I just wanna tell the world that you're mine, girl"

Dahan dahan kaming nagkatinginan ni Jasmine nang marinig namin ang lyrics. Alam naming dalawa 'yung kanta. Parang hindi pa alam ni Jasmine kung tatawanan ba niya ako o ngingitian ng malungkot. Nanahimik nalang siya at nanuod kay Ethos.

"Oh, they don't know about the things we do

They don't know about the I love you's"

"Sayang. Tapos na ata 'yung Masterpiece" sabi ni Rose at tinuloy na ang pagkain ng ice cream.

"But I bet you if they only knew,

They would just be jealous of us

They don't know about the up all nights

They don't know I've waited all my life"

Maganda talaga ang boses ni Ethos. Mas lalo lang siyang gumaling ngayon dahil feel na feel niya 'yung kanta. Siguro dahil nakaka-relate siya sa lyrics. Bumuntong hininga ako para pigilan ang luha. Gusto ko nanamang umiyak! Ano ba naman? Kanina din sa school, umiyak nalang ako bigla. Alam na tuloy ng mga kaklase ko na broken hearted ako.

"Just to find a love that feels this

Baby, they don't know about, they don't know about us"

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon