Chapter 6
Avery
Ramdam ko na ang init ng paligid. Tanghali na pero di parin ako bumabangon. Kampante ako dahil wala namang pasok.
"Hoy Avery! Ano? wala kang balak bumangon diyan?"
Napadilat ang mata ko nang bumukas ang pinto at magsalita si Mama.
"Tatayo na" mahinang sabi ko.
"Magligpit ka ng hinigaan mo, ah. Kumain ka na doon. Alam mo namang hindi ka pwedeng nalilipasan ng gutom. Ikaw talaga...."
Kahit nakalabas na siya sa kwarto, naririnig ko parin ang mga sinasabi niya.
Tumayo na 'ko para di ako lalong mapagalitan. Kumain na din ako. Bumalik din naman ako sa kwarto nang matapos ako.
Dinampot ko ang phone ko nang marinig kong tumunog iyon ng ilang beses.
Sa Twitter pala.
WHAT THE—
Natawa ako nang mabasa ang mga reply. Sino ba talaga 'to? Kahapon pa siya.
Agad kong pinindot ang message para i-DM siya. Sobra na talaga akong naiintriga sa kanya, eh.
Hindi niya ito sineen. Hindi pa siguro niya nakikita.
Ayoko naman siyang tanungin ng 'sino ka ba' dahil ang rude noon kaya binanggit ko muna 'yung sa Mcdo.
Curious na curious na talaga ako kung sino siya. Kung paano niya nalaman ang buong pangalan 'ko at kung saan ako nakatira.
Ngayon ko lang nabasa ang message sa akin ni Kyle. Kamusta na kaya 'yung issue nito? Parang okay na okay naman siya.
Alam ko kasi kapag nalungkot talaga siya sa isang bagay at hindi. Pero mukhang wala lang din naman sa kanya yung issue....
BINABASA MO ANG
Username: @AveryG (Expensive Series #2)
TienerfictieEXPENSIVE SERIES #2: Avery who just visited her best friend, accidentally took selfies in a wrong phone which belongs to the famous actor, Ethos-who found her twitter account and eventually caught his interest. [contains pictures. Sorry for the off...