CHAPTER 19

42 6 0
                                    

Chapter 19

Avery

Kumagat ako sa sandwich na binili ko habang nakatulala sa kalsada na makikita sa glass window. Nasa 7/11 kami ngayon ni Jasmine. Dito kami nagagahan dahil sabado, walang pasok.

Hindi ako halos nakatulog kakaisip kung sino ba talaga si Miggy. Ngayon, alam ko nang hindi ko siya totaly na kilala. Kilala siya ni Kyle, pero ako? Hindi.

Hindi 'yon basta bastang babanggitin ni Kyle sa taong kakakilala niya palang, unless close sila. Trauma niya 'yon. Tyaka most embarassing experience niya na din.

Hindi ko parin tuloy maisip kung sino si Miggy.

Umupo sa tabi ko si Jasmine habang binubuksan ang lasanga na binili.

"Tikman mo 'to. Masarap" sabi niya sa akin at binigay ang tinidor.

Kinuha ko naman 'yon at tumikim. Masarap nga. Kaso ang init.

"Ang init!" reklamo ko habang binubuka ang bibig dahil sa init.

"Tanga ka pala, eh. Bakit kasi hindi mo muna hinipan? Alam mong galing sa microwave"

Hindi ako nakasagot dahil sumakit ang dila ko. Kumain naman na siya.

Tanungin ko kaya si Jasmine kung alam niya 'yung tungkol kay Kyle?Kung alam ni Jasmine, possibleng nasabi ni Kyle 'yon sa TV o kahit saan.

"Jas, alam mo bang nakagat ng aso si Kyle dati?"

Nilingon naman niya ako habang may laman ang bibig. Hindi siya makapagsalita kaya tinignan niya ako na parang sinasabi niyang 'talaga?'

So, hindi nga niya alam.

"Hindi mo alam?" tanong ko.

Umiling siya "Hindi. Ngayon ko lang narinig 'yan. Eh, bakit? Anong nangyari?"

"Hindi ba niya nasabi sa TV 'yan? Ever?"

Kumunot ang noo niya "Hindi"

"Kung nasabi niya 'yan? Tatanungin kita about doon para magpakwento. Hindi naman nangyari diba?"

Sabagay.

"Bakit ba?" tanong niya.

"Kagabi kasi nadulas si Miggy, eh. Alam niyang nakagat ng aso si Kyle dati. Alam pa nga niya pati 'yung lahi nung asong nakakagat, eh"

"Edi ibig sabihin magkakilala sila ni Kyle?"

Tumango ako "Hmm. Sabi niya staff daw siya"

"Ah. kaya pala, eh"

"Pero hindi parin ako naniniwala"

"Bakit naman? Sabi nga niya staff siya. Pwede naman niyang maging kaibigan si Kyle at makwento sa kanya 'yung tungkol doon kasi magkasama sila sa trabaho"

"No, you don't get it. Isipin mo nga? Staff? 18 years old? Nag-aaral sa MTU?"

Napaisip naman siya.

"Pwede 'yon, girl. Malay mo in-charge siya sa sounds, choreographer, o kaya tagahawak ng mic. Pwede nga rin na editor, eh. Malay mo intern palang siya. Maraming trabaho na tumatanggap kahit 18 years old palang, sis"

Nanahimik ako. Tama nga naman siya. Pwede nga rin na nag-extra siya. Ano ba 'yan! Lalo lang tuloy akong nahirapan!

"Tyaka malay mo kahit na sa MTU siya nag-aaral, gusto niya parin magtrabaho" dagdag pa niya.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon