CHAPTER 33

47 4 0
                                    

Chapter 33

Avery

Huminga ako ng malalim habang nasa loob kami ng elevator ni Ethos. Panay ang hila ko sa dress ko. Komportable naman ako sa suot ko. Nate-tense lang talaga ako. Niyaya kasi ako ni Ethos na kumain kasama 'yung dalawang kaibigan niya. Ayoko pa sana pero pinilit niya ako. Hindi na rin naman ako tumanggi kahit nahihiya ako. Gusto daw kasi akong makilala ni Haven. Kinakabahan tuloy ako. Feeling ko ang importante ko naman.

"Sure ka, ha? Hindi suplada si Haven?" tanong ko kay Ethos habang hawak niya ang kamay ko.

Nagpapawis na nga ata 'yung palad ko sa kaba, eh. Tumawa naman siya nilingon ako. Ang gwapo ni Miggy ngayon. Nakapolo siyang blue na short sleeves kaya mukha siyang pormal.

"I'm 100% sure, Baby" sabi niya at nginitian ako.

Bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami ni Miggy. Namangha naman ako sa view dahil nasa pinakataas na floor kami ng hotel. Wala daw kasi gaanong tao sa floor na 'to. Tyaka exclusive siya for visitors lang kaya private talaga. May dark green na carpet ang daan. Halata mong pang-sosyal.

Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ko sila Haven kaya napahinto din si Miggy. Nilingon niya naman ako pero tinuro ko lang ang dalawang tao na nakaupo sa table at naguusap. Babae at lalaki. Si Haven 'yung babae. Kilala ko din 'yung lalaki! 'Yun 'yung anak ni Blake Lacson. Siya din 'yung bumangga sa 'kin!

"Sila?"

"Yeah. They're together" sagot ni Ethos sa akin habang hinihintay ako.

"Hindi. I mean...sila ba 'yon?" tanong ko kahit alam ko naman nang sila talaga ang pinunta namin dito.

Tumango naman siya at ngumiti. Tinignan ko ulit sila at napatingin ako kay Haven na naka-body con white floral dress at halata mong mayaman kumilos. Naka-clip ang gilid ng buhok niya. Ang hinhin niya kahit tumawa...

"Mukha siyang si Mama Mary..."

Hindi ko alam na nasabi ko pala ng malakas ang nasa isip ko kaya natawa si Miggy.

"And she talks and acts like Mama Mary. Wag ka nang matakot. You'd be friends with them, Baby. I promise" sabi niya kaya sumunod na rin naman ako.

Napalingon silang dalawa nang pumasok kami sa loob. Kitang kita ko ang paglaki ng ngiti ni Haven nang makita niya ako. Tama naman pala si Ethos. She looks nice and elegant. Heart Evangelista? ikaw ba 'yan?

"Hi!" sabi ni Haven at mahinhin na tumayo mula sa upuan niya para makipag-beso sa akin.

"Hello... "

Parang naging mahinhin din ang boses ko nang batiin ko siya pabalik. Na-conscious ako bigla dahil ang bango ni Haven. Baka mamaya ang baho ko. Nakakahiya.

"You're taller and prettier than I expected" nakangiting sabi niya habang bumabalik na sa upuan niya.

Tawa lang ang naisagot ko bago ako umupo sa upuan na hinila ni Miggy. Napatingin ako sa anak ni Blake Lacson nang makaupo ako. Tipid niya lang akong nginitian kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Nag-order na kayo?" tanong ni Miggy sa kanila.

"May nakikita ka bang pagkain?" sarcastic na sagot ng lalaki sa kanya.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon