CHAPTER 41

61 6 10
                                    

Chapter 41

Avery

Lumakas lalo ang mga hikbi ko nang ibaba ko ang tawag ni Ethos. Nahihilo na 'ko sa lakas ng iyak ko. Lalong nakadagdag sa bigat ng nararamdaman ko 'yung pagtawag niya. Mas lalo akong nahirapang huminga. Mag-iilang oras na akong nagkukulong sa banyo. Hindi ko alam kung nagtataka na ba sila Mama pero hindi ko na inisip. Hindi ko kayang lumabas.

Pinilit kong tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig ng banyo. Tinukod ko ang dalawang braso kong nanginginig para humawak sa magkabilang gilid ng lababo. Ramdam ko ang sakit sa binti ko. Halos hindi ko maitayo. Ramdam ko hanggang buto. Alam ko naman na hindi 'to simpleng sakit lang. Umikot muli ang sikmura ko at nagsimula akong magsuka ulit. Humahapdi na ang lalamunan ko. Alam kong masama 'to dahil ilang beses na akong sumuka. Madedehydrate ako nito.

Huminga ako ng malalim matapos kong sumuka. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin at nakita kong halos mawalan na ng kulay ang labi ko. Namumula na din ang mata ko sa luha. Nilingon ko ang basurahan. Malungkot nalang akong napangiti habang tinitignan ang mga tissue na may dugo. Kasabay ng pagsusuka ko ang pagdugo ng ilong ko.

"Avery? Ang tagal mo naman diyan sa banyo!"

Narinig kong kumakatok na si Mama sa pinto. Tinignan ko ulit ng sarili ko sa salamin. Hindi ko alam kung paano aayusin ang sarili ko para hindi mahalata nila Mama. Napabuntong hininga ako at nagsimulang umiyak nanaman. Siguro hindi ko na siya maitatago ngayon....

Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ang pagkahilo ko. Nagdoble ang paningin ko. Kitang kita ko pa ang nag-aalalang mukha ni Mama nang makita niya ako.

"Avery... anong nangyari sayo?" tanong niya at hinawakan ang bewang ko para saluhin ako.

Binigay ko ang lahat ng lakas ng katawan ko kay Mama. Hawak hawak niya ang lupaypay kong katawan. Mukhang akong lantang gulay. Narinig ko ang singhap ni Mama nang makita niyang dumudugo ang ilong ko. Pinunasan ko 'yon gamit ang kamay ko. Tumulo ang luha ko nang maramdaman ko ulit ang kirot sa binti ko. Mas masakit siya kaysa kanina. Napadaing ako ng malakas at napaupo sa sahig.

Ang sakit.

Parang dinudurog 'yun mga buto ko sa binti. Halos hindi ko maigalaw.

"Ang sakit" naiiyak kong reklamo kay mama habang hinahawakan ang sariling binti.

Nakita kong umiiyak na din si Mama. Mukhang hindi niya alam ang gagawin para tulungan ako.

"Ang sakit, Ma"

Lumapit sa amin si Papa, nagtaka kung anong nangyayari.

"Avery—"

Natigil si Papa sa pagsasalita nang sumuka ako ulit. Akala ko nasuka ko na lahat. Pero parang hindi ako nauubusan ng maisusuka. Lalo akong nahilo. Ramdam ko pa rin ang kirot sa binti ko. Lumuhod si Papa sa harapan ko. May sinasabi siya sa akin pero hindi ko marinig ng maayos. Hinawakan niya ako at nakita ko ang ekspresyon ng mukha niya nang malaman niyang inaapoy ako ng lagnat. Dumodoble ang paningin ko habang nakatitig ako kay Papa.

"Pa, ang sakit" naiiyak at medyo nanghihina na reklamo ko kay Papa.

Ang pagbuhat sa akin ni Papa ang huli kong naramdaman hanggang sa mawalan ako ng malay.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon