Chapter 30
Avery
Tinulungan ko si Mama sa pagaayos ng lamesa. Ako ang nagsandok sa bawat plato. Pumunta ang mga kamag-anak namin para dito mag-celebrate ng New Year kaya may mga bisita kami. Nandito rin ang mga pinsan ko na hindi ko pa gaanong ka-close dahil minsan ko lang naman sila nakikita tyaka nakakasama kahit na kasing edad ko lang naman sila.
"Payat ka pa 'rin, Avery" bati sa akin ni Tita Susan na pinsan ni Mama.
Ngumiti lang ako mahinang tumango. Payat naman na talaga ako. Never akong tumaba. Alam naman nila 'yon. Hindi pa ba sila nasanay?
Hindi naman sa ayaw kong nandito sila, hindi lang kasi ako kumportable. Hindi kasi ganoon kaganda ang mga ugali nila. Palagi silang maraming nasasabi sa amin ni Mama. Hindi ko naman 'yon gusto. Kaya hanggat maari, nagpopormal ako para wala silang masabi.
Kumain na kami ng tanghalian. Kararating lang nila kaya gutom sila galing sa byahe. Nakaupo ako sa tabi ni Mama dahil mas kumportable akong katabi siya.
"Kamusta ang asawa mo sa Dubai? Kailan siya uuwi?" rinig kong tanong ni Tita kay Mama.
"Uuwi daw siya sa susunod na taon. Hindi siya makauwi ngayong buwan, eh. Para na rin daw makaabot siya sa birthday ni Avery"
Hindi muna sumagot si Tita at kumain muna. Katapat ko sa upuan ang dalawang anak na babae ni Tita. Naguusap silang dalawa pero hindi naman na 'ko nakisali dahil hindi nakakarelate.
"Tutuloy ka ba sa college, Avery?"
Agad akong napalingon nang tanungin ako ni Tita. Bakit parang iba naman ang tono ng pagtanong niya? Parang ine-expect niyang hindi ako magka-college?
"Opo. Magnu-nursing po ako. Hindi ko palang po alam kung saang university. Hindi pa po kasi open 'yung mga school for admission. Next year pa daw po"
Kinumpleto ko na ang sagot ko kasi alam kong marami pa siyang itatanong.
"Nako! Magnunursing ka lang? Ituloy mo na hanggang Medicine para maging doctor ka. Magiging katulong ka lang sa ospital niyan"
Pasimple kaming nagkatinginan ni Mama dahil sa sinabi ni Tita. Kumulo ang dugo ko pero hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Sanay naman na 'ko sa ugali niya at 'yung pangit niyang mindset.
"Ganyan ang ginawa nitong si Jaimie kaya ngayon 2nd year na siya sa Med School" dagdag pa niya at tinignan ang anak niya.
Tumango lang si Mama para hindi naman mahalata ni Tita na na-offend kami sa sinabi niya. Panganay ni Tita si Jaimie. May matanda siya sa akin ng limang taon. Yung kapatid naman niyang si Lyka ang kasing edad ko.
"Tyaka kakayanin mo ba ang training? Ang payat mo pa naman. Nung time ni Jaimie halos sa ospital na tumira dahil marami daw talagang pasyente. Baka ikaw pa ang maging pasyente nila, ah? Okay ka na-"
Hindi ko na siya pinatapos dahil napipikon na 'ko.
"Tingin ko naman po kaya ko. Hindi ko naman po siguro kukunin kung hindi ko kaya"
Pasimple akong siniko ni Mama para sawayin. Napansin niya sigurong nainis ako. Tinignan ko lang si Mama at nanahimik na. Di ko mapigilan, eh.
"Basta mag-aral lang kayo ng mabuti. Wag kayong tutulad doon sa isa niyong pinsan! Pinagaaral puro pagboboyfriend ang inaatupag. Ayon! Nanay na" sabi niya na mukha pa akong tinatakot.
BINABASA MO ANG
Username: @AveryG (Expensive Series #2)
Teen FictionEXPENSIVE SERIES #2: Avery who just visited her best friend, accidentally took selfies in a wrong phone which belongs to the famous actor, Ethos-who found her twitter account and eventually caught his interest. [contains pictures. Sorry for the off...