CHAPTER 37

47 5 0
                                    

Chapter 37

Avery

Hawak ko ang phone ko habang nag-aalmusal. Maaga kasi akong nagising ngayon kaya mahaba pa ang oras ko bago pumasok. Katabi ko si Luna na kumakain din sa lapag.

"Uno ngayon, diba?"

Narinig kong nagtatanong si Papa kay Mama. Gising na rin pala sila. Sinagot lang siya ni Mama ng tango. Oo nga pala! Birthday na ni Ethos bukas! Ano kayang plano noon? May party kaya siya? Nilabas ko ang phone ko para i-message si Miggy. Gusto ko, ako ang pinakaunang babati.

Napakunot ang noo ko sa huli niyang sinabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napakunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. Ano daw? Hindi niya na rin ako nireplyan kaya lalo akong na-confuse. Tinapos ko na ang pagkain at mabilisang niligpit ang pinagkainan. Hinugasan ko na rin para wala nang hugasin si Mama, saka ako pumasok sa banyo para mag-toothbrush.

"Ay— Avery, bilisan mo! Nandito na si Jasmine" rinig kong tawag sa akin ni Mama.

"Sige, Ma!" sigaw ko habang puno pa ng bula ang bibig.

"Sige lang po, Tita. Maaga pa naman po" rinig kong sabi ni Jasmine kay Mama.

Isang linggo na niya akong sinusundo. Simula nung naghiwalay sila ni Christian, ako na lagi ang kasabay niyang pumasok. Mukha ngang final na 'to, eh. Naaawa na din ako kay Jasmine parang pagod na pagod na siya. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko. Ang gusto ko kasi, sapakin 'yung ex niya, eh.

"Tara na, Jas!" yaya ko sa kanya nang matapos ako at agad naman siyang tumayo sa pagkakaupo sa sofa.

Nang makarating kami sa school, bumungad sa amin si Christian na naghihintay sa labas ng room. Mabilis na kumulo ang dugo ko. Ayan nanaman siya! Hindi siya pinansin ni Jasmine at dirediretsong pumasok sa loob ng room. Balak pa niyang sundan si Jasmine pero hinarang ko na siya.

"Wag mo nang sundan! Kita mo nang ayaw kang makita nung tao, eh" sabi ko at tinapik ang balikat niya.

Hinarangan ko ang pinto para hindi siya makapasok. Masama ang tingin niya sa akin, lalo tuloy siyang pumangit.

"Lagi mong hindi siniseryoso 'yung mga pagtataray ko sayo kaya tingin mo okay lang 'yung ginagawa mo eh, no? Tingin mo nagjo-joke lang ako"

"Mukha ka naman talagang joke" sabi niya at nginisihan ako.

Aba—

"Atleast ako, mukhang joke. Eh, ikaw? Mukha ka na ngang tae, sinasabuhay mo pa. Umalis ka na nga dito! Ang pangit mo. Bawal ang pangit dito"

Hindi niya ako sinagot at tinignan niya lang ako. Akala ba niya maiinis ako sa sagot niya?

"Wag mo nang lalapitan si Jasmine. Last na 'yan. Mahiya ka naman sa ginagawa mo doon sa tao. Pangit mo na nga may gana ka pang mambabae. Wala ka nang nadudulot doon kundi sakit. Hindi ka ba natatalaban ng hiya? O sadyang makapal talaga 'yung mukha mo?"

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon