CHAPTER 20

69 6 17
                                    

Chapter 20

Avery


Pumasok ako sa school kahit mukha akong nag-adik. Bangag na bangag. Wala ako sarili dahil wala rin akong tulog. Pangalawang araw ko nang ganito. Nilapag ko ang bag ko sa upuan at saka umupo. Yumuko ako sa arm rest at nagbalak matulog saglit habang wala pang first subject.



"Sana manalo ako sa pa-give away gusto ko talagang makita ulit si Ethos" rinig kong sabi ni Rose sa kung sino mang kausap niya.


Tangina.

 

Napamura ako sa utak ko nang marinig ko nanaman ang pangalan ni Ethos. Hindi naman sa ayaw kong marinig ang pangalan niya.

 

GUSTO KO LANG MUNANG MATULOG! TAMA NA PLEASE OVERNIGHT KO NA YANG INIISIP!


"Kapag nanalo kasi ako doon, makikita ko siya sa personal magkakaroon pa 'ko nung magazine na siya ang cover. Gusto ko 'yon"



Napahinga ako ng malalim at inangat na ulit ang ulo ko. Wala. Hindi talaga ako makakatulog. Dumating na si Jasmine kaya inikot ko ang upuan ko at hinarap sa kanya.


"Oh? Anong nangyari sayo?" concerned na tanong niya.

"Puyat"

Mukha naman siyang nakahinga ng maluwag. "Akala ko naman...."


"Jas, gusto mo?"

Lumapit sa amin si Rose at umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Jasmine.


"Ang alin?" tanong ni Jasmine sa kanya.


"May sinalihan kasi akong pa-give away sa Facebook Fan Page ni Ethos. Kapag nanalo tayo doon, may free pass tayo sa fansign event niya next week. May free pang magazine"

Nagkatinginan kami ni Jasmine.


"Alam ko naman na hindi ka gaanong fan ni Ethos, pero gusto mo kasi 'yung movie na Hitman kaya niyayaya kita" dagdag pa ulit ni Rose.


Ngumisi si Jasmine at mukhang pinipigilan lang ang malakas na pagtawa. "Bakit ako 'yung niyayaya mo? Ayan, oh. Yayain mo 'yan" sabi ni Jasmine at tinuro ako.


Bwisit talaga 'tong babaeng 'to, eh. Kung di ko lang talaga 'to mahal....



"Bakit si Avery?" tanong ni Rose kay Jasmine.



"Di mo ba alam? Fangirl 'yan ni Ethos" natatawang sabi ni Jasmine.

Hayop talaga 'to!


"Talaga? Kailan pa? Bakit parang hindi ko naman naririnig sayo na binabanggit mo si Ethos?" excited niyang tanong.



"Hindi kasi siya showy. Kilala mo naman 'yan si Avery, diba?" sabi ni Jasmine.


Awkward akong ngumisi at tumango "Hindi ko lang pinapahalata. Baka kasi isipin mo, inaagaw ko sayo 'yung baby mo, eh. Kaya sinarili ko nalang" natatawa kong sabi.



Tumawa ng malakas si Jasmine. Hindi niya na siguro napigilan. Parang siraulo.


"Okay lang naman 'yon, eh. Basta ba akin pa rin siya" natatawang sabi ni Rose.



"Pfft" pigil na tawa ni Jasmine.


"Actually, nakita ko siya nung friday, eh"

Umiral din tuloy ang kalokohan ko.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon