EPILOGUE

84 7 8
                                    

Epilogue

"Akala ko pa naman mabebenta na natin 'to"

Nilingon ko si Jasmine nang hawakan niya ang bracelet ko. Pinagdidiskitahan niya talaga 'to. Kahit nanghihina, nagawa ko pa ring ilayo sa kanya ang kamay ko. Tumawa lang siya at kinuha na ang mangkok ng lugaw. Hindi ko naubos ang pagkain kaya siya na ang umubos ng tira. Tumawa pa siya bago 'yon kinain. Siya ang nagsubo sa akin para makakain. Hindi ko kasi talaga maigalaw ang katawan ko sa hina.

Tinulungan ako ni Mama na makahiga ng maayos. Masakit ang buong katawan ko. Ayaw ko namang magreklamo dahil ganito naman talaga. Ang dami ko ngang gustong sabihin kay Jasmine pero sumasakit ang bibig ko. Normal lang naman daw 'to sabi ng doctor dahil side effect daw to sa chemo. 

Bumukas ang pinto at pumasok si Ethos na may dalang isang basket ng prutas. Nginitian niya pa ako bago sinara ulit ang pinto. Pinilit ko ang bibig ko na ngitian siya pabalik. Hininaan ni Papa saglit ang TV para batiin si Ethos sa pagdating niya. 

"How are you feeling?" tanong niya nang makalapit siya.

Nilapag muna niya ang basket sa side table bago niya hinila ang monobloc chair para upuan. Mukha siyang excited kaya napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit parang ang saya saya niya ngayon. Tumango lang ako para sagutin ang tanong niya. 

"This is the only thing I could offer you since maraming bawal sayo. Do you want orange? I could peel them for you"

Umiling ako at pinilit ang sarili kong magsalita "Kakakain ko lang"

Halata ang hirap sa tono sa boses ko kaya napatingin si Jasmine sa akin. Pinagmasdan niya ako. Pinakita niya naman kay Ethos ang mangkok ng lugaw para patunayan na kumain na nga ako.

"Baby, don't force yourself if you can't speak. It's fine. It's your first chemo. I know it will really make your body weak. Just rest" sabi niya at mahinang tumawa.

Tumango lang ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga alam kung bakit ang good mood niya ngayon. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko nga kaya. Siguro hintayin ko nalang siyang magkwento. 

"By the way, I already applied for college. MTU pa 'rin since nandoon sila Haven. Hindi na sila lumipat. I don't want to be away from them kaya hindi na 'ko naghanap pa ng ibang school. Sabi ko kasi sayo, eh. I want to wait for you. Para sabay na tayo"

Sinimangutan ko siya kaya mahina siyang natawa "But, since you don't want to. I still applied. Baka totohanin mo 'yung sinabi mong hindi ka magpapa-treatment, eh" 

Ayaw niya sanang mag-enroll for next year kasi gusto niya, sabay kami. Pero hindi naman ako papayag! Bakit ako papayag? Dahil lang sa 'kin? Tyaka ang dami na niyang sinakripisyo dahil sa 'kin. Hindi ko lang siya maka-usap ng masinsinan dahil nahihirapan ako. Balita ko nag-resign na siya. Tinanong ko siya kung ako ba ang dahilan. Hindi naman daw ako.

Kaso hindi ko pa rin maiwasang mag-isip na dahil sa 'kin talaga 'yon. Saka lang naman niya ginawa 'yon dahil ganito! May nangyari sa 'kin. Kung ayaw niya talaga, sana dati pa. Hindi ako naniwala sa dahilan niya kaya ngayong college, gusto pa niyang huminto. Ayoko naman na pati 'yon. Hindi rin naman ako nakapagreklamo nung nag-resign siya. Gumising nalang ako na hindi na siya artista. Halos dalawang linggo nila akong hinintay na magising kaya ang dami nang naging desisyon ni Ethos na wala akong kaalam-alam.

"Haven said they will visit you later. Nasa school pa daw kasi sila. Is it fine for you?"

Tumango lang ako at medyo na-excite na makita si Haven ulit. Sobrang tagal ko siyang hindi nakita. Nakakamiss din.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon