CHAPTER 40

74 5 9
                                    

Chapter 40

Avery

Umakyat ako sa hadgan nila Rose. Nandito kami sa bahay nila dahil nagkayayaan ang mga kaklase kong mag-movie marathon. Kami kami nalang daw ang mag-celebrate ng Valentine's Day. Sinabihan kami ni Rose na umakyat sa kwarto niya after naming kumain kaya umakyat agad ako nang matapos ako. Nasa baba pa si Jasmine dahil maghuhugas daw sila ng plato. Ang dami na nila doon kaya hindi na 'ko nakisali.

Paakyat palang ako sa hagdan nila, naririnig ko na ang malakas na tugtog galing sa kwarto ni Rose. Wala dito ang parents niya kaya tahimik. Kami kami lang talaga ang tao.

"Policeman says, "Son, you can't stay here.""

Napahinto ako sa pag-akyat nang makilala ko ang boses ng kumakanta. Kanina ko pa pinag-iisipan kung pupunta ba 'ko ng kwarto ni Rose dahil nung huling pumunta ako dito, puno ng poster ni Ethos ang kwarto niya. Torture 'yon sa 'kin.

Tumuloy pa rin ako sa pag-akyat at sumilip sa pinto ng kwarto niya. Kasama ni Rose ang iba pa naming kaklaseng babae at pinapanood sila si Ethos sa TV. Galing sa Youtube ang video na pinapanood nila.

"I said, "There's someone I'm waiting for if it's a day, a month, a year.

Gotta stand my ground even if it rains or snows"

Hindi ko pinanood ang video niya na 'to nung nakaraan. Nag-upload sila ng cover video niya sa YouTube pero hindi ko pinansin. Gusto ko muna sanang i-distansya ang sarili ko sa kanya. Kaso parang sinusundan ako ng presensya niya.

Hindi ako makatakas.

"If she changes her mind this is the first place she will go."

Sinandal ko ang ulo ko sa door frame ng kwarto ni Rose. Nakinood ako sa kanila. Tahimik sila sa loob at pinapanood lang si Ethos.

"'Cause if one day you wake up and find that you're missing me"

I always miss him.

Pinunasan ko ang pisngi ko nang maramdaman kong tumulo ang luha ko. Eto nanaman ako, eh. Huminga ako ng malalim para mapigilan. Hindi nila ako pwedeng mapansin dahil magtataka nanaman sila.

"And your heart starts to wonder where on this earth I could be

Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet"

Napangiti ako ng malungkot. Kagabi tumambay ulit ako sa kanto kung saan siya laging nagpa-park. Para akong tanga. Naghihintay ako sa wala. Para namang pupuntahan niya pa ako ulit.

Eh, iniwan ko na siya.

"And you'll see me waiting for you on the corner of the street"

Corner of the street...

Lagi akong bumabalik doon pero hindi ka na bumalik. Ang daming memories ng lugar na 'yon. Wala akong kamalay malay dati na magkakaroon pala ako ng malaking alaala sa lugar na 'yon samantalang dinadaan daanan ko lang 'yon dati.

"So I'm not moving, I'm not moving,

I'm not moving, I'm not moving"

"Pasok ka na sa loob. Ano pang ginagawa mo diyan?"

Gulat akong napalingon kay Cy nang magsalita siya sa likod ko. Tinawanan ko lang siya at saka na pumasok sa loob. Nilipat na nila ang pinapanood sa movie kaya medyo kumalma na 'ko. Kaso nga lang, tingin ako ng tingin sa poster na nakadikit sa pinto ni Rose.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon