7 pm na, tinutulungan ako ni manang mila at ng isa pang katulong upang magayos ng sarili, wala naman kasi akong alam tungkol sa mga make-up thing na yan eh.
sa wakas at natapos na rin, suot ko yung pinamili namin ni clark na yellow dress at very yellow sandals hehehe
sa totoo lang ay kinakabahan ako ngayon, ipapakilala na kasi ako ngayon sa tatay ni clark, baka kasi hindi niya ako magustuhan, alam niyo naman ang mga mayayaman, naniniwala sila na ang mayaman ay para lang sa mayaman at ang mahirap ay para lang sa mahirap. pero, parehas naman kami ni clark na pinilit lang ng crodble eh, kaya sana ay hindi na siya magreklamo kung bakit ako ang pinili ni clark, ewan ko ba diyan kay clark, bakit pa kasi ako ang pinili nya eh, hindi naman ako mayaman at maganda, pero kahit papaano naman may itsura din naman ako noh, wala namang pangit sa mundo eh. hindi ko naman kasi talaga gustong pakasalan si clark. sana naman maging mabait siya... please...
"tapos na miss lara" sosyalin na ako ngayon, miss na ang tinatawag sa akin, dapat nga ma'am eh kaso sabi ko dapat sa pangalan ko na lang, pero sabi nila baka daw pagalitan sila ni clark kaya pumayag na ako pero miss na nga lang, kasi hindi naman ako ang amo dito kaya ayoko ng ma'am
dahil sa sinabi ni manang ay bigla akong bumalik sa realidad at tiningnan ang sarili ko sa salamin na nasa harap ko.
WOW, nanlaki ang mata ko sa nakita ko. ako ba talaga ito? mukha na akong tao. hehehe. grabe nag evolve ako, pokemon lang? pero seryoso, nagiba talaga ang itsura ko, from kanto girl to princess, para ngang hindi ko na kilala ang sarili ko eh, pinastraight pa nila ang medyo wavy kong buhok, buti pa ang mga katulong nila dito may alam pa sa pagpapaganda, samantalang ako wala.
sa tingin niyo, magugustuhan kaya ako ni clark? hehehe wala lang naisip ko lang, hindi naman masamang mangarap na magustuhan ako ng isang gwapong nilalang diba? naku, tama na nga lara, baka magalit pa yun sa iyo kasi ang tagal mong magayaos
"salamat po sa pagaayos niyo sa akin"
"naku wala yun, sige na lumabas ka na at baka mainip si clark" si manang mila yun, siya lang naman ang pwedeng tumawag kay clark sa pangalan lang nito kasi matagal na siya dito at siya na ang nagalaga kay clark simula pa nung sanggol pa ito, nabanggit lang ni manang kanina. pero kung si manang ang nagalaga kay clark, nasaan naman kaya ang mama niya, ang nasabi lang sa akin ni clark ay ang dad lang niya ang imemeet ko ngayon, pero siguro sa susunod mamemeet ko rin ang mom niya, busy lang siguro ngayon, alam niyo na ang mga mayayaman, palaging busy.
"sige" sabi ko kay manang at lumabas na ng kwarto ko.
Clark's POV
ang tagal naman niya, kanina pa ako nagiintay dito, mainipin pa naman si dad, magagalit nanaman yun. pero sa totoo lang palagi naman ung galit eh.
bakit ba ang tagal ng mga babae na magayos? ang dami naman nilang kaartehan sa katawan, grabe.
mabuti na lang at may alam si manang tungkol sa pagmemake-up, akalain niyong si lara wala? siya lang ata ang babaeng hindi pantay maglipstick, kaya yun, pinamakeupan ko muna, baka mamaya madagdagan pa ang sumbat ni dad sa akin at laitin pa niya si lara, sige, subukan lang niya baka matuloy ang world war 3, hehe, sigurado naman akong hindi papayag si dad na si lara ang piliin ko, isa rin sa dahilan kung bakit ko pinili si lara kasi gusto kong asarin si dad, wala naman na siyang magagawa dahil nasabi ko na sa crodble na si lara ang pipiliin ko, kaya hayun, umuwi agad sa pinas para komprontahin ako, at mamaya, sigurado ako na magsisigawan nanaman kami kaya alam ko na na sa isang private restaurant kami magkikita para walang ibang taong makakaalam at hindi siya mapahiya. ganun naman talaga yun siya eh, sanay na ako na bigla na lang siyang nagbago simula nung...
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fictionkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...