pagkabalik na pagkabalik ko sa room namin ay sinalubong na ako agad ni danica...
"ano na? nakausap mo na?"
bungad na tanong ni sa akin
"oo"
"anong sabi?"
"mahabang kwento eh, basta ang ending, kailangan niyang dito magaral"
"ehhhhhhh"
pangaasar sa akin ni danica..."parehas na sila ng school ng fiancee niya"
"hoy manahimik ka nga, kapag may nakaalam niyan"
"pumayag ba si clark na ilihim niyo to?"
"oo"
"ganun?"
"punta na tayo ng canteen, nagugutom na ako eh"
"oo na, sige na, tara"
pagdating namin ng canteen ni danica ay bumili lang kami ng tig-isang rebisco at orange juice tapos umupo na kami para kumain...
habang kumakain ay hindi namin sinasadyang marinig ni danica ang mga usapan ng ibang estudyante sa kabilang table na katabi lang namin.
"uy, nabalitaan niyo na ba yung bagong transferee sa IV- St. Lorenzo Ruiz"
"oo, mukha daw mayaman, kaibigan pa nga daw ng dad niya yung susunod na principal dito eh"
"hindi lang mayaman, gwapo pa!!!"
"tama!!!"
hay naku, ganun na ba kabilis kumalat ang balita? ilang oras pa lang ang nakakalipas, buong school na ang nakakaalam na lumipat dito si clark, iba talaga ang mga chismosa...
"mukhang may makakalaban na si larry sa kagwapuhan"
"naku, tama ka diyan"
larry? sino yun?
matanong nga si danica, marami tong kakilala dito eh...
"uy danica"
"bakit?"
"sino yung larry na sinasabi nila?"
"ahh yun ba, taga St. Lazarus yun, yun nga ang pinaka gwapo dito sa school eh, maliban na ngayon kasi tinalo na siya ng clark mo"
"talaga? bakit parang hindi ko siya kilala?"
"eh kasi naman, sa St. Lorenzo na lang kasi nakatuon ang mundo mo, makihalubilo ka naman sa ibang section noh"
"eh hindi ko naman sila kilala eh"
"paano mo naman nga sila makikilala eh hindi mo nga sila napapansin"
"hay, hayaan mo na nga yan"
tapos ininum ko na lang ulit ang juice na binili ko.
halos maibuga ko na ang juice na iniinom ko, nang makilala ko kung sino ang pumasok sa canteen.
tapos tumingin pa siya sa aming dalawa ni danica...
"danica, tara na" sabi ko bigla kay danica tapos hinila ko siya ng malakas palabas ng canteen...
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Ficção Adolescentekung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...