nandito lang ako sa kama ko habang yakap ang mga tuhod ko...
naguguluhan...
hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ni clark...
mahal ba niya ako? o hindi?
iyon ang tanong na matagal ko ng hinahanap ang sagot...
ang tanong na akala ko alam ko na ang sagot pero sa bawat oras na dumadaan... may mga nangyayari na nakakapagpabago ng sagot na naiisip ko...
siguro si clark lang talaga ang makakasagot nun..
syempre damdamin niya yun eh... talagang siya lang ang nakakaalam nun... ang tanga mo talaga lara....
oo na ako na tanga... pero damay ka din dun ikaw ako eh...
hay naku.... nababaliw nanaman ako....
kausap ang sarili ko....
magpaconfine na kaya ako sa mental... at least doon hindi ko na poproblemahin kung ano pa man ang nararamdaman ni clark diba?
ayan ka nanaman... nagpapakatanga ka nanaman... so dahil lang sa love life, kung maituturing mo ngang love life, ay sisirain mo na ang buhay mo? paano na ang mga pangarap mo?
may punto ka don...
talagang may punto ako... tyaka naisip ko lang,..
ano?
bakit mo pa ba kailangang malaman ang nararamdaman niya? kasi kahit na ano naman ang nararamdaman niya, ikaw parin naman ang pakakasalan niya eh... at wala na siyang magagawa dun...
may punto ka ulit..
talagang may punto ako... at isa pa...
HUWAG MO NA AKONG KAUSAPIN KASI PARA KA NANAMANG TANGA!!!! KAUSAP ANG SARILI!!! BALIW!!!!
may punto ka ulit dun...
tama siya... i mean ako... kasi isip ko rin naman yun eh kaso iba parin...AY ANG GULO HAH!!!
pero tama talaga ang naisip ko...
masiyado ko ng iniisip kung ano ba talaga ang nararamdaman niya... at nakakabaliw na yun..
kaya...
simula ngayon...
hindi ko na iisipin pa yun...
at wala na akong pakialam pa dun...
bahala na siya...
TOK TOK TOK!
napatingin ako bigla sa pinto ng kwarto ko...
naalala kong inilock ko pala yun kanina nung pagpasok ko.
kaya siguradong hindi siya makakapasok dun...
mabuti na lang yun kasi ayaw ko pa siyang makita at kausapin...
naiinis pa rin ako... yung malanding babaeng yun kasi ang kinampihan niya samantalang yun na nga ang nanglait eh.
nagulat na lang ako ng biglang nagbukas ang pinto...
at pumasok siya...
"paano mo nabuksan yan?" tanong ko na walang expression sa mukha at nakatingin lang sa kanya habang hindi umaalis sa pagkakaupo ko sa kama..
bigla niyang iniangat ang napakaraming susi sa kamay niya...
oo nga naman... siya ang may-ari ng bahay na ito... syempre meron siyang susi ng lahat ng mga kwarto dito...
tanga mo talaga lara, wala ring sense ang paglalock mo ng pinto...
dahan dahan naman siyang lumapit sa akin at umupo sa isang side ng kama ko.. ako naman ay umayos ng upo sa kabilang side ng kama at tumalikod sa kanya... kaya magkatalikuran kami ngayon...
tahimik lang kaming dalawa sa loob ng ilang sigundo hangang sa magsimula na siyang magsalita...
"hindi mo dapat ginawa yun"
"so, ako pa ang mali? mali ba ang ipagtanggol ko ang school ko mula sa mga taong matapobre at mapanlait?"
"hindi, pero hindi mo dapat siya pinagsalitaan ng ganun, umiyak siya kanina dahil sa mga sinabi mo, nasaktan siya, hindi siya sanay na nasasabihan ng ganun"
"bakit? siya lang ba ang nasaktan? nilait niya hindi lang ang school ko pero pati ang pagkatao ko. alam mo na nasaktan siya, pero ako ba tinanong mo kung nasaktan din ba ako? tinanong mo ba kung ano ang nararamdaman ko? napakaunfair mo clark" i started to cry.
"she is fragile, and you are stong, you can take that emotion"
"hindi naman ibig sabihin na matapang ako ay hindi na ako nasasaktan"
"i know you--"
"YOU DON'T KNOW ME!! oo alam mo lahat ng background ko!, alam mo buong buhay ko! pero hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko!"
this time tumayo na ako at humarap sa kanya
"i'm sorry"
"ano ba ang espesyal sa kanya na pati ang nararamdaman ko ay nakalimutan mo na?"
hindi siya sumagot at yumuko na lang...
isa lang ang ibig sabihin nun....
she is important to him.... and that hurts me so much...
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fictionkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...