everything was so beautiful...
mukhang nagsisisi na ako na sinisi ko ang ulan eh...
dapat pa nga ata akong magpasalamat sa ulan kasi kung hindi dahil sa kanya...
wala ang mga ito ngayon...
"wow!" iyon lang ang nasabi ko mula nung nakita ko kung ano ang ginawa ni clark.
may nakalatag na pang picnic na tela sa sahig, yung red and white ang kulay. tapos may mga bulaklak, may basket din ng pagkain at may mga unan kung saan kami pwedeng umupo...
(pasensya na hindi ako gaanong marunong magdescribe, basta ang ganda at napakaromantic)
"a...ano ito?"
"uhm... kasi... kahit hindi mo sabihin alam ko na naiinis ka kasi naputol yung dinner date natin kanina kahit na ako rin naman eh nainis din, kaya... ipagpatuloy na lang natin dito?"
napangiti na lang ako sa sinabi niya, may kilig bone din naman pala itong lalaking ito eh, kinilig ako sa ginawa niya kaya ayon tuloy... mas lalo pa ata akong nagkagusto sa lalaking ito eh.
"sige" sagot ko sa kanya.
hay clark, sana ganito na lang tayo palagi
hindi nagaaway
at kahit na anong gawin ng tadhana
kahit na ang mismong kalikasan pa man ang magtangka na pumigil sa atin
hinding hindi nila kayang pigilan ang pagmamahalan natin...
hahahahahaha chos lang.... feelingera nanaman ako hahahahhaa
hay naku lara, tigilan mo na nga pagiisip ng ganyan, wala kang mararating diyan, ang mabuti pa ay ienjoy mo na lang itong picnic date niyo.
doble doble na nga ang date na nangyari sa iyo ngayon eh kaya doble doble din ang kilig!!!!!!! hay, sana lang ay hindi ako himatayin dito ngayon.
thanks ulan ^_^
clark's POV
nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ni lara, hindi na nga namin namalayan ang oras eh halos maghahating gabi na nga nung natapos kaming magpicnic sa room niya.
siguro nagtataka kayo kung paano ko mabilis na naprepare yung mga gamit para sa picnic.
nung umulan kasi hindi lang kami ni lara ang nanghinayang dahil naputol ang date namin, pati narin sila grandma at grandpa, kaya nagplano na sila
nung sinabi nila sa akin yung plano nilang ipagpatuloy yung date, nakaprepare na ang lahat, sobra ang pasasalamat ko sa kanila dahil sa naisip nila, yung pagpunta ko sa kwarto ni lara ay planado na sakto lang na sumigaw nun si lara kaya iyon na ang ginawa kong dahilan.
tinulungan din ako nila grandma at grandpa na magayos ng lahat nung nakapikit pa si lara kaya napadali ang lahat.
and in the end, everything was successful.
habang naglalakad ako pabalik sa kwarto ko ngayon ay nakasalubong ko si grandma
"where's grandpa?" i ask her
"hay, ayon tulog na, pagod na daw siya dahil sa dami ng mga ginawa natin ngayon"
"you should take your rest too"
"oo, matutulog narin ako but before that gusto ko munang masigurado kung naging maganda ba ang kinalabasan ng second date niyo"
"i think she was so amazed"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fictionkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...