ang boring naman, 30 minutes na akong nakasakay dito sa kotse nung mga lalaki. in all fairness, maganda ang kotse, kaso hindi ko alam kung anong klase, wala naman akong alam sa mga ganitong bagay eh. yung ibang lalaki nandoon sa ibang kotse na sumusunod sa amin. ano to? may convoy pa? anong akala nila? tatakas ako? ehh hindi ko naman kayang tumalon sa isang umaandar na sasakyan ehh
"malayo pa ba tayo?"
"konting hintay na lang po, miss"
"san ba kasi talaga tayo pupunta?"
"sabi ni master hindi pa namin pwedeng sabihin sa inyo, malalaman niyo din naman kapag nakarating na tayo"
"at sino naman yang master niyo aber?"
hindi na sumagot yung lalaking tinanong ko na katabi ng driver sa harap. kahit ano siguro ang tanong ko dito hindi naman sila sasagot, mabuting manahimik na lang ako baka mamaya ihagis na lang nila ako palabas ng kotse at iwan sa kung saan dahil sa kakulitan ko.
teka, tama ba tong pinuntahan namin? bakit parang ang gaganda na ng mga bahay? grabe ang lalake ng mga bahay dito, ano naman kaya ang gagawin ng isang mahirap na tulad ko sa lugar na to? teka, hindi kaya nanalo ako sa lotto? napanalunan ko kaya ang isa sa mga bahay na ito? grabe swerte na ako kung tutuusin.
"matanong ko lang, nanalo ba ako sa lotto o raffle promo? tapos isa sa mga bahay na nandito ang premyo ko?"
nagtawanan lang yung driver tyaka yung katabi niya
"kung hindi ako nandito kasi nanalo ako, baka naman dadalhin niyo ako sa isang sindikatong mayaman? tapos gagawin niyo akong pulubi na namamalimus sa kalsada? o kung hindi--- ahhhh huwag niyong sabihin na irerape ako ng isang sindikato tapos papatayin ako at itatapon ang katawan sa isang ilog"
mas lalong lumakas ang tawa nung dalawang lalaki
"teka, ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko? sinasabi ko lang naman kung ano ang mga posibleng mangyari sa akin noh, mas ok na ang palaging handa"
"miss, sigurado akong kahit na kailan ay hindi niyo pa naiisip yung kung ano man ang mangyayari sa inyo, sigurado akong magugulat talaga kayo, at hindi isang sindikato si master, sinisigurado ko iyan sa inyo"
"siguraduhin niyo lang dahil kung ako mamatay sa kung saan man tayo pupunta, mumultuhin ko talaga kayo, at hindi ko kayo papatahimikin"
tumawa nanaman sila ulit, hay, bahala nga kayo diyan. maya maya lang ay tumigil kami sa tapat ng pinaka malaking bahay na nakita ko dito sa subdivision. pinalabas nila ako at pagdating ko sa tapat ng pinto ay grabe, sobra sobra ang ganda ng bahay na ito at napakalaki pa, mukhang kusina lang ata nito ang buong bahay namin ehh.
"pumasok na po kayo, kanina pa kayo hinihintay ni master"
pagkapasok ko ay sinalubong ako ng isang katulong at inihatid ako sa isang room, parang isang study o library room kasi napakaraming libro, mukhang daig pa ata nito ang dami ng libro sa school library namin eh.
"lara aguillhar, right?"
"sino ka? at bakit mo ako kilala?"
hindi ko alam kung sino yung nagsasalita pero ang alam ko ay nanggagaling yung boses sa isang office chair na nasa isang table na nakatalikod sa akin. nung humarap siya sa akin, mukhang familiar yung face niya, saan ko nga ba siya nakita? isip lara isip
"ako si--"
"teka sandali lang, aalalahanin ko kung saan kita nakita, teka magiisip lang ako, maghintay ka"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fictionkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...