LARA'S POV
sana naman ay hindi ko na makita ung lalaking un, kasi naman nakakahiya naman kasing makita niya na nakatingin ako sa kanya.
teka, anong nangyayari dito? bakit may mga sasakyan tapos ang daming lalaki? mga agent ba sila? pero teka, parang parehas yung mga uniform nila sa damit nung mga parang bodyguard nung gwapong lalaki kanina sa park ahh. ano naman ang ginagawa nila sa tapat ng bahay namin? at bakit umiiyak ang aking ina?
" ma, anong nangyayari? at bakit ang daming tao dito?"
"anak, kailangan mo munang sumama sa kanila"
"hah? bakit naman? sino ba sila? hindi ko naman sila kilala ah? ano bang nagawa ko? may kasalanan ba ako? ano? sabihin niyo! may bagong batas na ba ngayon na nagbabawal sa pagtingin sa isang tao lalo na sa isang gwapong lalaki? nabalita na ba yan sa tv? pasensya naman hindi ko alam, hindi kasi ako nakapanood ng tv"
pinagtawanan naman nila ako, ano naman ang nakakatawa doon? eh yun talaga ang naisip ko ehh
alam ko OA na ako masyado pero ganito talaga ang ugali ko eh, i expect for the worst kaya nagiimagine na ako ng mga posibleng mangyari at hindi ko na mapigilan ang malawak kong imagination, at yun na lang naman ang naiisip ko na dahilan kung bakit ako kukunin ng mga lalaking ito eh, mayaman pa naman yung lalaking natingnan ko kanina baka nagalit siya nung tiningnan ko siya, naku lagot!! wala kaming laban sa yaman niya, ano kaya ang gagawin niya sa akin? pero baka hindi naman siya ang nagpadala ng mga lalaking ito, ano ba talaga? naguguluhan na ako, ano bang gagawin nila sa akin?
"miss, huwag po kayong magisip ng ganyan, wala hong bagong batas na ipinatupad"
sabi nung isang lalaki na kausap ni mama, halatang nagpipigil ito ng tawa
"teka, baka naman binenta niyo ako ma?, ma naman!!, alam kong mahirap tayo pero hindi ko akalaing aabot tayo sa pagbebenta ng anak!, ma, nagmamakaawa ako, huwag niyo naman akong ibenta marami pa akong pangarap, diba nangako ako na iaahon ko ang pamilya natin sa hirap, sana naman maniwala kayo na magagawa ko yun, tyaka konting hintay na lang, graduating high school student na ako ngayong susunod na pasukan, konti na lang makakapagtapos na rin ako--"
"lara!! huwag ka ngang praning!!"
naiinis na sabi ni mama.
"eh, saan ba kasi nila ako dadalhin? at sino ba sila?"
"sila na ang magpapaliwanag sa iyo kapag nakarating na kayo sa pupuntahan niyo"
"bakit hindi niyo na lang sabihin sa akin ngayon? para hindi na ako napapraning ng ganito"
"basta sumama ka na sa kanila, hindi ka naman nila sasaktan eh"
"sigurado?"
"oo, sumama ka na"
"magkano ba yung binayad nila sa inyo para ibenta ako? isang milyon? ganun na lang ba kababa ang halaga ng buhay ko ngayon ma? dapat ginawa niyo ng 1 bilyon para mahal at malayo ang mararating ng pera."
"tingnan mo tong batang to, ewan ko sa iyo kung saan ka ba nagmana, sigurado ka bang anak kita? baka naman mamaya hindi kita anak, baka pinalit ka lang sa anak ko sa hospital nung nanganak ako"
well, ngayon alam niyo na kung kanino ako nagmana...
"ma, hindi pa ba halata kung kanino ako nagmana?"
"ewan ko sa iyo, sumama ka na nga lang sa kanila, kanina ka pa nila inaantay eh ang tagal mo, ang dami mo pang drama diyan"
"mama naman, huwag niyo na kasi akong ibenta"
"at sino ba ang nagsabi sa iyo na binenta kita hah? tigilan mo na nga yan, hindi kita binenta noh"
"tsk, sige na nga!"
lumabas na ako ng bahay, nakita ko ang kapatid ko na si aj (andrew john), 7 years old palang siya, pauwi na siya ng bahay galing sa pakikipaglaro sa mga kaibigan niya, nilapitan ko siya para sa aking mga huling habilin, malay ko ba kung ano ang gagawin nila sa akin doon sa pupuntahan namin, puro pa naman sila lalaki, malay ko ba kung iyon na ang aking huling hantungan kaya sasabihin ko na sa kapatid ko ang aking mga huling habilin.
"andrew!!"
"ate!! bakit ang daming mga tao dito?"
"kukunin nila ako drew"
"hah!! bakit?"
"hindi ko rin alam ehh, basta tandaan mo drew, palagi kang magpapakabait, bantayan mo sila mama at papa palagi hah, huwag mo ng painitin ulit ang mga ulo nila, magaral kang mabuti dahil ikaw na lang ang natitirang pwedeng magahon ng pamilya natin sa hirap, patawarin mo ako kasi hindi ko na iyon magagwa pa"
"bakit ate, mamatay ka na ba?"
"parang ganun na nga, tandaan mo ang mga itsura ng mga lalaking ito hah, para kapag dumating ang tamang panahon at handa ka na, ipaghigante mo si ate, tandaan mo!"
gulong gulo naman ang kapatid ko sa sinabi ko, syempre bata pa sya ehh, pero alam ko na balang araw ay maiitindihan din niya yun, ipaghihigante niya ako. nagulat na lang ako ng biglang sumigaw ang mama ko na nasa likod ko na pala
"naku lara, huwag mo na ngang idamay si andrew sa kalokohan mo! bata pa yang kapatid mo kung ano ano na ang sinasabi mo, may pa higante higante ka pang nalalaman diyan"
"mama, hayaan mo naman si andrew na maghiganti para sa akin"
"ilalagay mo pa sa kapahamakan yang kapatid mo, tumigil ka na nga" bumaling naman si mama sa mga lalaki na nandoon "dalhin niyo na nga yan, kanina pa yan nagdadrama, gumagawa na ng eksena dito"
"grabe ka naman ma, ipagtabuyan ba naman ako?"
"eh kanina ka pa ehh, hindi ka tumitigil, para namang mamamatay ka, ehh babalik ka din naman dito"
ganito talaga kaming magina, parang barkada lang ang turing sa isa't isa pero nirerespeto ko naman siya, syempre.
"miss, alis na po tayo"
"sige na nga, bye ma! bye andrew! ipagpaalam niyo na lang ako kay papa mamaya pag uwi niya, mamimiss ko kayo ng sobra" nasa trabaho kasi ngayon ang tatay ko
"ano bang nangyayari kay ate?"
"huwag mo na lang pansinin yan, napapraning lang yan, tara na pumasok na tayo"
grabe, hindi man lang nagbabye sa akin ang aking ina at kapatid grabe lang talaga, ipinagtatabuyan ng talaga nila ako, ano ba ang nagawa kong masama sa pamilya na ito? ano?!!
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fictionkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...