chapter 32: meet an angel

79 1 0
                                    

lara's POV

naglalakad na kami ni danica palabas ng room ng maalala kong marami nga pala kaming requirements na kailangang ipasa bukas... kailangan ko ng makabili nun kasi baka magkaubusan.. marami pa namang estudyante ang bumibili ngayon ng requirements...

"danica kailangan ko pa palang bumili ng mga requirements natin, ikaw hindi ka pa ba bibili?"

"may stock pa ako sa bahay eh hindi na lang ako bibili, samahan na lang kita"

"hindi na, mauna ka na lang, ako na lang ang bibili, sandali lang naman ako eh"

"ok, uwi ka agad hah"

"oo naman"

tapos humiwalay na ako sa kanya at pumunta na sa pinakamalapit na school supply store dito sa school...

malaki ang school supply store na pinuntahan ko para sigurado na mabibili ko ang lahat ng mga requirements na kailangan ko kasi kompleto naman sila dito...

katulad ng inaasahan ko ay marami ngang tao... ibinigay ko na agad sa baggage counter ang bag ko at kinuha ang baggage # ko at dali dali ng pumasok sa loob...

dahil sa dami ng mga estudyante na bumibili dito ay tinindihan nila ang siguridad dito, bawal na ang bag na ipasok sa loob at nilagyan na nila ng cctv camera...

dahil sa siksikan ng mga tao ay natagalan ako sa pagkuha ng mga kailangan ko, paunahan pa kasi baka magkaubusan, mura lang din kasi dito kaya dinarayo.

hay!! sa wakas, matapos ang isang dekada ay nakuha ko na rin lahat ng mga kailangan kong supplies na pinapabili ng teacher namin...

next naman na parusa...

PILA SA COUNTER!!!

halos umikot na sa malawak na tindahan ang pila dahil sa haba kaya ayun...

inabot ako ng million years bago makarating sa counter...

ok sa wakas ay natapos na rin ako sa pamimili...

agad akong lumabas para kuhain ko na ang bag ko ng...

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon