chapter 17: ang tatlong maldita

95 1 0
                                    

clark's POV

mabuti na lang pala at boys scout ako, dahil kung hindi napahiya na ang taong mahal ko.

mabuti at napigilan ko pa ang paglala ng mga pangyari.

nandito lang si lara sa tabi ko ngayon at nakaupo, hindi na siguro siya aalis sa kinauupuan niya dahil sa nangyari kanina, natrauma na siguro.

nagkekwentuhan lang kami ni lara ng may biglang lumapit sa aking lalaki

niyaya niya akong sumama sa kumpulan ng mga lalaki para makapagkwentuhan

ayaw ko sana kasi walang makakasama si lara kaso si lara na mismo ang nagsabi ng pumayag na daw ako

"sure ka ba?"

"oo naman, sige na sumama ka na sa kanila, ayaw ko namang hindi mo maenjoy ang party na ito dahil sa kakabantay mo sa akin"

"ok ka lang ba dito?"

"oo naman, i can take care of myself"

"i really doubt that"

"clark naman, promise ko sa iyo na hinding hindi ako aalis dito sa kinauupuan ko hanggang sa makabalik ka para wala ng mangyari"

"sige na nga, dito ka lang hah"

"yes, sir" tapos nag salute pa siya sa akin bilang tanda ng pagsunod niya sa akin, mahirap na kasi baka mamaya may kung ano nanaman ang mangyari sa kanya at mapahiya pa siya hindi lang sa mga taong nandito kundi sa buong mundo.

tama, sa buong mundo. nakakita kasi ako ng isang photographer kanina na pinicturan si lara nung nadapa siya, mabuti na lang at nakuha ko agad ung camera.

isa siyang photographer para sa crodble magazine na isang business magazine kung saan naipapublish sa buong mundo at nakikita ng lahat ng mga business personalities. pero ang alam ko ay hindi nila pwedeng picturan ang mga hindi magagandang nangyari sa event na ito kaya nagtataka ako kung bakit niya pinicturan si lara kanina at isasama pa niya ito sa magazine.

mabuti na lang at sinabi nung photographer na inutusan lang siya ni Belenda McHilson, isa sa mga babaeng pinagpipilian ko noon, hindi ko talaga siya pinili dahil sa sama ng ugali niya kaya ngayon ay galit siya kay lara kaya mas lalong dapat magingat ngayon si lara kasi nandito pala si belenda.

"Mr. Croft, we are glad that you joined us" bati sa akin ni Mr. Harry Deppt, ang president ng Crodble.

siya ang binoto ng iba pang member ng crodble nung time na hindi pinamahalaan ni dad ang crodble. masyado na kasi siyang maraming kompanya na inaasikaso kaya ipinaubaya na niya ito kay Mr. Deppt pero may share parin kami dito kasi kami ang may-ari at sa angkan namin nagmula ang crodble ayaw na nga lang ni dad na makialam, pero kawalan niya yun kasi dahil sa hindi niya pakikialam sa crodble, nagawa kong piliin si lara bilang ang babaeng pakakasalan ko.

"i am also glad sir"

lara's POV

 ang boring naman, party ba itong matatawag? eh nagkekwentuhan lang naman ang mga tao dito tungkol sa mga business nila. wala tuloy akong magawa, out of place ako dito, wala naman akong kaalam-alam sa business na yan tyaka bawal din akong umalis dito sa kinauupuan ko kasi baka may magawa nanaman akong hindi maganda at ikahihiya ko, so, eto ako ngayon...

NGA NGA!

tinitingnan ko lang ang mga taong nandito nang biglang may kumalabit sa akin.

akala ko si clark na pero hindi pala, isang babae ang kumalabit sa akin at may kasama pa siyang dalawa, mga babae rin. mukhang amerikano yung dalawa pero yung isa ay parang chinese.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon