chapter 14: the past

98 1 0
                                    

Sandra's POV


mabuti naman at nakatulog na si clark, para makapagpahinga na rin ako.

hay, kakarating ko pa lang dramahan na agad

ganun kasi talaga si clark, nagiging weak siya kapag tungkol na kay mom ang usapan, hanggang ngayon kasi sinisisi pa rin niya ang sarili niya sa mga nangyari noon.

bata pa si clark nun, kasama siya ni mom nung naaksidente sila sa kotse, at doon namatay si mom pero nakaligtas si clark

we still don't know what really happened kasi hindi nagkwento si clark, iyak lang siya ng iyak nun, hindi naman namin mapilit na magkwento kasi baka natrauma. hindi ko alam kung naalala pa niya yung totoong nangyari noon o baka nakalimutan na rin niya dahil sa ang tagal ng panahon. palagi na lang kasi niyang sinasabi na kasalanan daw niya ang lahat.

sobrang sakit sa aming lahat ang nangyari, pero ang pinakanaapektohan ay si dad, dahil na rin sa sinasabi ni clark na kasalanan niya ang lahat, kaya siya na rin ang nasisi ni dad, makulit kasi talaga noon si clark eh baka dahil sa kakulitan niya kaya naaksidente sila.

ewan ko kung paano nasisi ni dad ang sarili niyang anak, pero ang sigurado ko ay masakit yun para sa kanya, muntik pa nga siyang magpakamatay noon eh, pero mabuti at napigilan namin, kaso sinubsob naman niya ang oras niya sa trabaho at binalewala na kami ni clark, lalo na si clark, kulang na nga lang tanggalin niya ang apilyedong croft sa pangalan ni clark eh kasi dahil sa galit niya.

pero mabuti ngayon at humupa na ng konti ang galit niya, nakatulong siguro yung paglayo nila sa isa't isa pero nakasama rin yun kasi parehas na naapektuhan ang pakikitungo nila sa isa't isa, galit narin kasi si clark kay dad, ayaw na niya dito upang maging ama, umasa kasi siya noon na magdadamayan kami sa sakit na nararamdaman namin, kaso hindi, iniwan kami ni dad na nagdudusa sa pagkamatay ni mom, mas inisip niya ang nararamdaman niya at pinabayaan kami, hindi lang naman siya ang nasaktan eh, pati rin kami.

pero sa tingin ko wala ng makakapagpabago kay dad, si mom lang, at ngayong wala na si mom, wala na ring pagasa na bumalik si dad, ang mapagmahal na dad namin.

mom kung nandito ka lang sana, kung hindi mo sana kami iniwan eh di sana masaya parin tayo ngayon katulad ng dati at buo pa ang pamilya natin hinid katulad ngayon na wasak na at wala ng pagasang mabuo pa.

mom we really need you here, why did you have to go?

lara's POV


nalate ako ng gising, nagipon lang ng tulog, ilang araw na kasi akong puyat, si ate sandra naman kasi eh, kadasegundo na nandito siya sa pinas ay sinusulit niya minsan lang daw kasi siya makauwi dito eh. kaya ayun, gala dito gala dun, shopping dito shopping doon mabuti na lang at may kasama kaming alalay, si clark... hehehehe. kaya pati ung mokong na iyon pagod din. mabuti na lang at bumalik na si ate sandra sa ibang bansa kahapon, miss na kasi daw siya ni kuya bryan at aubrey, at dahil din doon at nakapagpahinga na ako.

"manang hindi pa rin po ba gising si clark?" tanong ko kay manang mila nung makarating ako sa dining room at hindi ko pa rin nakikita si clark.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon