lara's POV
alam niyo ba yung feeling na kinikilig kahit na sa mababaw na dahilan lang...?
ewan ko ba pero parang gusto kong bigyan ng ibang meaning yung sinabi ni clark kanina na pinili niya ako kasi mabait daw ako...
pero totoo naman ba kaya yun? baka mamaya ay sinabi lang niya yun kasi nandoon yung tatlong malditang mga babae dati kasi iba ang sinabi niyang dahilan sa akin.
naguguluhan na ako kung ano ba talaga ang totoo... eh kung tanungin ko na lang kaya siya?
nakarating na kami ngayon sa room namin sa hotel, dumiretso ako sa sofa at nagtanggal ng aking sapatos tyaka sumandal upang magpahinga, nakakapagod kasi ang napakahabang araw na ito eh... siya naman ay nagtanggal na ng coat niya at naupo sa tabi ko.
"uhmm, clark"
"hmmm?"
responce niya habang nakasandal din sa sofa at nakapikit ang mata
"ung tungkol sa sinabi mo kanina na dahilan ng pagpili mo sa akin, totoo ba yun? bakit iba yung dahilan na sinabi mo sa akin dati?"
"pwedeng oo, pwede ring naman hindi"
"ang gulo mo naman kausap!"
huwag ko na nga lang siya kausapin, hindi naman kasi matinong kausap tong lalaking ito eh. bahala ka na nga diyan, hindi ko naman maitindihan yung sagot niya, hay! hindi na ako aasa... nasabi na niya sa akin noon ang dahilan niya kaya yun na lang ang icoconsider ko, baka kasi nagsisinungaling lang siya kanina para mapahiya yung tatlo kaya siguro, ung dahilan na sinabi niya sa akin noon ang totoo...
ahh!!!!!!!! ano ba lara!!! huwag mo na ngang isipin ang dahilan na yan, ikaw na ang pinili niya TAPOS!! wala ka ng magagawa kaya tanggapin mo na lang ok...
"uhm, salamat pala sa ginawa mo kaninang pagliligtas sa akin hah, siguro kung hindi mo ako niligtas kanina ay lumubog na ako sa dagat ng kahihiyan"
"dapat lang na magpasalamat ka, ilang beses na kitang sinagip ngayong gabi, idagdag mo pa ito" sabi ni clark tapos may kinuhang camera sa bag na pinaglagyan niya ng mga damit at sapatos ko kanina, ipinakita niys sa akin ang nasa camera at laking gulat ko ng makita ko kung ano ang nandoon...
"may isang photographer ng crodble na inutusan ni belenda na kuhaan ka ng pictures nung nadapa ka, pasalamat ka at nakita ko yan kasi kung hindi ay naisama na iyan sa crodble magazine at naipublish na sa buong mundo"
"hindi!!!!"
sobra talagang nakakahiya, ang pangit pa naman ng kuha ko, tapos makikita pa ng buong mundo? wala na akong mukhang maihaharap sa mga tao kung sakali man
"huwag ka ngang maingay, nakakabingi ka"
sabi ni clark habang hinaharanggn ng daliri ang tenga niya, eh ano ba ang reaksyon na aasahan niya sa akin? ang matuwa ako nung makita ko yung nakakahiyang picture ko na iyon? normal lang naman yung reaksyon ko diba?
"nakakahiya!!!!!!!!!!!!! sobrang nakakahiya!!!!!!!!" sigaw ko habang sinusubsob ko ang mukha ko sa unan ng sofa na nasa tabi ko
"tumigil ka na nga, wala ka namang dapat ikahiya kasi napigilan ko naman ang pagkalat niyan at hindi nakita ng buong mundo ang picture mo"
"kahit na, nakita mo naman"
"ano naman ngayon?"
"basta!" at mabilis akong tumakbo sa kwarto ko at nagkandado. sumunod naman si clark sa akin at kinakatok ang pinto.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fictionkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...