chapter 16: the unforgettable moment

110 1 0
                                    

nandito kami ni clark sa harap ng pinto papasok sa event hall ng hotel, kung saan gaganapin ang party para sa amin bilang opisyal na couple na ipapakasal ng crodble.

naka white long dress ako at naka high heeled shoes na kulay gold, si clark naman naka formal wear din.

(see the pic in my facebook page, just search "UNEXPECTED LOVE BY MAJABAAC")

nandoon na sa loob lahat ng member ng crodble at ang hinihintay na lang kami, sabi sa amin ng organizer ng event na ito ay kapag tinawag na daw kami ng emcee ay tyaka na bubukas ang pinto at papasok na kami sa loob

oh diba ganda ng entrada namin ni clark,

pero dahil doon ay nasa amin ang atensiyon ng lahat

at dahil din doon kaya mas lalo akong kinakabahan ngayon!!!

help me pls. ayoko nito!!! sigurado akong mapapahiya ako ngayong gabi, nasesense ko na yun.

dahil sa kaba ko ay nahigpitan ko ang pagkakahawak ko sa braso ni clark, napansin niya siguro yun kaya nagsalita siya

"don't be nervous"

"hindi ko mapigilan eh"

"kaya mo yan"

"madali sa iyong sabihin yan kasi ginagawa mo na ito buong buhay mo"

"at dapat masanay ka na kasi palagi mo na rin itong gagawin dahil ako ang pakakasalan mo"

"kaya nga kasalanan mo itong lahat eh, kung hindi lang sana ang ako ang pinili mo eh di sana naroon lang ako sa bahay at ineenjoy ang bakasyon"

"tsk. huwag ka ng magalit, baka pumangit ka tapos hindi pa bumagay sa iyo ang damit mo"

"kahit na galit ako, maganda parin ako"

"oo na, ikaw na ang pinakamaganda"

"good" hehehe kilig much nanaman ako...^_^ ehhhh ang cheesy niya naman ngayon, samantalang kahapon lang eh inaaway niya pa ako, sana palagi na lang kaming ganito.

napalitan ng kaba ang kilig ko ng marinig kong magsalita yung emcee at iniintroduce na kami sa mga bisita na nasa loob.

emcee: Now, please welcome! Mr. Clark Croft and Ms. Lara Aguillhar

"let's go"

"huwag mo akong hayaang madapa hah"

"i promise, just stay with me"

"ok"

dahil sa senyas ng emcee ay bumukas na ang pinto sa harap namin ni clark at nakita na namin ang mga tao na naroon, at nakita narin nila kami. hindi ko alam kung natutuwa ba sila na makita kami o hindi kasi wala namang expresyon sa mga mukha nila pero pumapalakpak naman sila,  siguro ay sinusuri muna nila ako kung nababagay ba ako sa mundo nila. hay hayaan mo na nga sila lara, huwag mo na lang silang intindihin, napaparanoid ka lang siguro, baka naman hindi lahat sila mapanglait katulad ng akala mo, baka katulad rin sila ni clark na iba sa karamihan, sana nga ganun.

ang gaganda naman nilang lahat, ang dami nilang mga alahas na suot, nanliliit tuloy ako, but don't worry lara, maganda ka naman ngayon diba? smile lang ng smile para maitago mo ang kaba mo ok?

pinaupo kami sa isang mahabang table kasama ng mga member ng crodble, ung iba namang mga bisita ay may kanya kanyang table, basta ako...

nasa tabi lang ni clark, siya na ang bahalang makipag-usap sa mga bisita dito, wala akong pakialam, basta behave lang ako dito. ayaw ko ng gumawa pa ng eksenang magpapahiya sa akin.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon