clark's POV
parehas naming tinitingnan ni lara ang napakagandang sunset ng may pamilyar na boses akong narinig mula sa likod
"clark?"
"grandma! grandpa!" tawag ko sa kanila nung makita ko sila, dali-dali ko silang nilapitan at niyakap, sobrang namiss ko na silang dalawa. ilang taon ko na kasi silang hindi nakikita.
"hijo, mabuti at nakita ka namin dito, kanina pa namin kayo iniintay kaya naisip naming maglibot libot, nagbabasakali na makita kayo, baka kasi naligaw na kayo" sabi ni grandpa
"grandpa, ako? maliligaw? imposible ata yun" pagmamayabang ko pa sa kanila
"naku, hindi ka parin talaga nagbabago" nakangiting sabi ni grandma, tapos nagtawanan kaming tatlo.
marunong magtagalog sila grandma at grandpa dahil matagal tagal din silang tumira sa pilipinas noon.
"uhm, grandma, grandpa, muntik ko ng nakalimutan, si lara nga pala." pagpapakilala ko sa kanila kay lara na kasalukuyang nakatayo lang malapit sa amin.
"hello po, ako po si lara aguillhar"
"tama nga ang sinabi ng apo ko, napakaganda mo talaga" sabi ni grandma
"sinabi mo yun?" gulat na tanong sa akin ni lara
naku naman, ano ang isasagot ko? si grandma naman kasi eh, binuko pa ako kay lara.
"uhm...ahh" naku, wala akong masagot, paano na to?, ano ang gagawin ko para makalusot?
"oh, muntik ko ng nakalimutan, hindi pa pala kami nagpapakilala, iba na talaga kapag tumatanda na, anyway, ako nga pala si elena santigo-croft, at siya naman ang asawa kong si danny croft kami yung huling naipakasal ng crodble" hay saved by grandma, salamat talaga ng marami grandma, you're my hero, mabuti na lang at napansin niya na natataranta na ako kaya iniba niya ang usapan.
"nice meeting you ma'am"
"oh, don't call me ma'am, call me grandma na lang, tutal magpapakasal na rin naman na kayo ni clark eh" sabi ni grandma, mukhang may halong pangaasar ang tono ni grandma kasi nung sinasabi niya iyon, pinagdiinan niya ung salitang ikakasal na kami ni lara. dapat pala hindi ko sinabi sa kanila yung tungkol sa dahil kung bakit si lara ang pinili ko, kahit na matatanda na, sila parin ang nangunguna pagdating sa mga asaran.
"sige po grandma"
"can we call you hija?"
"there is no problem with that"
"honey let's bring them to our home para makapagpahinga na sila, siguro pagod na pagod na kayo noh?" sabi ni grandpa, honey parin ang tawagan nila ni grandma at sweet parin sila kahit na matatanda na, sana magiging ganun din kami ni lara balang araw.
hay naku clark, paano mo naman naiisip ang mga ganung bagay? erase...erase...erase
"opo, pagod na nga po kami, kanina pa kasi kami naglalakad eh" sagot ni lara
"hijo naman, bakit mo hinayaang mapagod si lara?"
"gusto ko lang namang makita niya ang magandang view dito eh kaya kami naglakad" paliwanag ko sa kanila
"hay sige na nga, tara na lara para makapagpahinga ka na tapos ililibot kita dito sa isla at marami akong ikekwento sa iyo" biglang kinuha ni grandma ang braso ni lara at sabay silang naunang nanglakad.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fictionkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...