clark's POV
kanina pa siya nagiisip, hindi parin ba niya ako naaalala? samantalang kanina lang ay tinitingnan niya ako sa park, mas lalo lang kaming matatagalan sa kanya ehh
"tama na, ako ung lalaking tinitingnan mo kanina sa park"
"ahhhhhh oo nga ikaw nga pala un, pero hoy!!! hindi kita tinitingnan noh yung fountain ang tinitingnan ko, napaka assuming mo naman"
naku hindi daw ehh kitang kita ko na tumingin siya sa akin. siguro nagwapuhan siya sa akin pero dinedeny pa niya, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa akin eh ang gwapo ko kaya. hehe naku ito nanaman ang pagiging mayabang ko, nasanay lang siguro ako na palagi na lang may nagkakagusto sa akin kung sino sino na nga lang ehh mga hindi ko pa kilala minsan, pero isa pa lang ang taong minahal ko at ayaw ko muna siyang isipin ngayon. aasikasuhin ko muna itong babaeng nasa harap ko.
"teka, sino ka ba hah? bakit mo ako dinala dito? ano bang kailangan mo sa akin? may kinalaman ba ito sa pagtingin ko sa iyo kanina sa park?"
"bakit mo naman naisip na may kinalaman ito sa pagtingin mo sa akin?"
"wala lang, baka kasi nagalit ka nung tiningnan kita tapos pinakidnap mo ako para dalhin sa maganda mong bahay at parusahan, at ang pinakamalala ay baka patayin mo ako"
natawa ako ng sobra sa sinabi niya. hindi ko akalain na ganito pala kalawak ang imagination niya, sobrang weird ng mga naiisip niya.
"so inaamin mo na nga na tiningnan mo ako kanina?"
"hah?!! u-uuu-uuy h-hindi ahh"
"sus, huli ka na nga tumatanggi ka parin"
"teka!! bakit mo ba ginagawang big deal yung pagtingin ko sa iyo hah? bakit bawal na ba ang tumingin sa isang tao ngayon? kaya tayo nagkaroon ng mata ay para makakita, naiintindihan mo ba?"
ang sungit naman nitong babaeng to. paano ko ba ito pakikisamahan, parang hindi ko lubos maisip na pakakasalan ko itong babaeng ito ehh, mukhang isang araw pa lang susuko na ako sa kanya.
"eh tama din ba na pagbintangan mo ako ng masama? sa gwapo kong ito, pagbibintangan mo na kidnaper at mamamatay tao? at dahil lang sa pagtingin mo sa akin?"
"eh bakit mo nga kasi ako dinala dito?"
"kasi kanina pa dapat ako mageexplain sa iyo kaso napakadami mong sinasabi at ngayon pa lang naubos na ang laway ko sa pakikipagusap sa iyo kaya ayaw ko ng magexplain"
"hah? ganun na lang un? matapos mo akong papuntahin dito ay hindi ka manlang mageexplain sa akin kung bakit ka nagpadala ng maraming lalaki sa bahay at bigla akong kinuha?"
"sinabi ko na hindi ako mageexplain sa iyo pero hindi ko sinabi na hindi mo maiitindihan ang mga nangyayari. ibang tao lang ang magpapaliwanag sa iyo kasi ayoko ng kausapin pa ang taong katulad mo"
napakunot ang noo niya, halatang inis na siya sa akin, kung ako naman din ang nasa kalagayan niya ay siguradong maiinis din ako,pero ewan ko kasi natutuwa ako kung naiinis siya, ang sarap niyang asarin. masamang tao na ba ang kinalalabasan ko?
"eh sino naman ba un hah? para matapos na ang lahat ng ito"
pinindot ko na ung button sa table na nasa harap ko, sinyalis ito na pwede ng pumasok si Mr. Escobal. nasa 25-27 na siguro ang edad niya pero wala paring asawa, hirap talaga kapag workaholic.
pagkapasok niya ay binati niya si lara at pinaupo upang makinig sa kanya. masunurin rin naman pala si lara dahil tahimik lang siyang nakikinig kay mr. escobal. siguro dahil sa gusto na niya malinawan at matapos na ito, gabi na rin kasi. habang nageexplain si mr. escobal ay may ipinapakita siyang slides ng mga pictures ng mga tao kay lara na nasa laptop niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fictionkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...