chapter 20: blame

79 0 0
                                    

clark's POV

tutal marunong naman ng lumangoy si lara kaya oras na para magenjoy ako.

lumangoy ako pailalim ng dagat para makita ang mga fish, corals at higit sa lahat ung lumang pandigmang barko na lumubog dito dati

hindi ko naman siya papasukin, titingnan ko lang.

sabi kasi ni grandpa noon maganda doon kasi marami ng mga isda ang tumira doon sa barko kaya gusto kong makita.

hindi ko na sinama pa dito si lara kasi hindi pa niya kayang pigilan ang kanyang hininga ng matagal. baka malunod lang yun dito.

hindi naman ganoon kalalim ang kinalalagyan nung barko, kasi kaya nga iyon lumubog ay dahil sumadsad ito sa lupa pero tingin ko hindi parin kakayanin ni lara, doon pa nga lang sa kinalalagyan namin kanina takot na takot na siya samantalang hindi pa kami gaanong nakakalayo sa pampang nun, sakto lang ang lalim para makapagpractise siya. eh paano pa kaya kung lalangoy pa sa ilalim ng dagat.

kung hindi niyo naitatanong swimmer ako sa school ko simula pa nung nag high school ako kaya, kaya kong lumangoy ng malalim at pigilan ang hininga ko ng matagal.

at kung hindi niyo rin naitatanong, marami na akong napanalunang swimming contest laban sa iba't ibang schools

pagdating ko ilalim ng dagat ay sobra akong humanga sa napakagandang view na nakita ko, akalain niyo yun, pati sa ilalim ng dagat may nakatagong magandang scenery.

ang lumang barko na lumubog, pinapaligiran ng mga isda na iba iba ang klase

sobrang ganda, sayang hindi ito nakita ni lara.

completo parin ang mga parte ng barko, pati mga gamit dito

yung mga lubid at kadena niya palutang lutan----

OH NO!!!!!!!!!

LARA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

nakita ko na lang si lara na nalulunod...

hirap na siyang huminga...

nilapitan ko siya...

wala na siyang malay...

lara no!!!!!!!...

huwag mo naman akong iwan lara pls.!!!!!!!

hindi ko pa nasasabi sa iyo ang tunay kong nararamdaman...

hindi ko pa nasasabi sa iyo na MAHAL NA MAHAL KITA LARA

hinalikan ko siya para bigyang ng hangin...

pero hindi parin siya nagigising...

nakita kong may lubid na nakapulupot sa paa niya...

at ito ang naghihila sa kanya pababa...

tinanggal ko ito at hinila ko siya papunta sa pampang...

pagdating namin doon ginawa ko na agad ang cpr

pero hindi parin siya humihinga...

 "lara pls. gumising kana, hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka, huwag mo naman akong ewan oh" nagmamakaawang sambit ko kay lara

sana lang naririnig niya ako

"lara, mahal kita. please lang gumising ka na"

hindi ako tumitigil

hindi ako susuko

hanggang sa...

nagising na siya

^_^

"lara buhay ka!!" natutuwa kong sabi sa kanya

umubo siya at nilabas niya ang mga tubig na nainom niya...

hinang hina siya at sobrang natakot...

"clark?"

lara's POV

"clark?" nasambit ko nung makita ko siya.

nandito na pala kami sa pampang, hindi ko alam kung ano ang mga sumunod na nangyari basta ang alam ko lang ay nalulunod ako at bigla na lang akong nawalan ng malay...

siguro si clark ang nagsagip sa akin. siya talaga ang knight in shining armor ko, hindi talaga niya ako binibigo, palagi na lang niya ako nililigtas

pero hindi kaya...

"tell me... ikaw siguro yung humawak sa binti ko noh?"

"hah?"

"umamin ka nga, ikaw yung naglunod sa akin noh?"

"hindi kita maintindihan"

"siguro ikaw yung humila sa binti ko para malunod ako, tama ikaw nga siguro yun, sino pa ba ang hihila ng binti ko, eh ikaw lang naman ang kasama ko doon"

"bakit ko naman gagawin yun sa iyo? ako na nga ang nagligtas sa iyo tapos ako pa ang pagbibintangan mo."

"eh sino pa ba ang gagawa sa akin nun?"

"maybe yung lubid?"

"anong lubid?"

"yung lubid na galing doon sa lumubog na barko, iyon ang pumulupot sa paa mo at iyon din ang naghila sa iyo pailalim"

hindi na ako nakapagsalita dahil sa sinabi ni clark. totoo ba iyon? iyon ba talaga ang nangyari? OMG hindi ko alam!!

"so ganyan ka pala magpasalamat sa taong sumagip sa iyo, imbis na mag thank you ka, pagbibintangan mo pa na ako ang may kasalanan, your welcome hah"

galit na sinabi ni clark tapos biglang umalis at iniwan ako, mabuti na lang at dumating sila grandma at grandpa para tulungan ako.

nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagpapatuyo, pinagiisipan ko rin lahat ng mga nangyari kanina...

ang galing mo talaga lara, dahil sa ginawa mo, galit na galit ngayon si clark.

tama naman si clark eh, pwede naman kasing magthank you ka na lang para matapos na kaso iba ang ginawa mo, pinagbintangan mo pa siya na sobra niyang ikinagalit. bakit kasi iyon ang lumabas sa bibig mo hah? tuloy nagkagulo pa kayo.

naku, nagiguilty na talaga ako, kailangan kong magsorry sa kanya, hindi ko dapat siya pinagbintangan.

clark's POV

nakakainis naman siya, akala ko pa naman magpapasalamat siya, kaso iba ang ginawa niya, pinagbintangan pa niya ako eh ako na nga ang nagsagip sa buhay niya eh.

NAKAKAINIS TALAGA!!!

hindi ko maintindihan ang mga babae!!!

nandito ako ngayon sa kwarto ko, kakatapos ko lang maligo at magbihis, pero hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na pinagbintangan niya ako na naglunod sa kanya, hindi ba siya nagiisip? bakit ko naman gagawin iyon sa kanya? mahal ko siya, so bakit ko naman siya papatayin?

grabe, nakakainis talaga, hindi ko talaga maintindihan ang ugali niya.

hindi ko akalaing hahantong kami sa ganito kalaking away.

TOK! TOK! TOK!

lara's POV

nandito ako ngayon sa tapat ng kwarto ni clark, sabi kasi nila grandma at grandpa, kailangan ko daw magsorry, iyon naman talaga ang gusto kong gawin kanina pa eh, kaso hindi ko alam kung mapapatawad ako ni clark, kasi kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya talagang magagalit din naman ako. wish ko lang hindi na mainit ang ulo niya at matanggap na niya ang sorry ko.

pagbukas niya ng pinto nakayuko lang ako, hindi ko siya matingnan kasi baka nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin sa akin at nahihiya din ako dahil sa ginawa ko, ngayon ko lang siya nakitang sobrang galit sa akin, dati naman kasi parang away bata lang ang meron kami pero ngayon..

iba na...

mapapatawad niya kaya ako?

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon