hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko
pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse? at kinuha pa niya ang kamay ko para alalayan sa paglabas. mukhang nananaginip ata ako, pero... inaamin ko na kinikilig na ako sa ginagawa niya hah. pagkalabas ko ng kotse ay hawak parin niya ang kamay ko.
"ah-ah ano bang ginagawa mo?"
hindi na ako makatiis, tinanong ko na talaga siya
"just pretend that you are my girlfriend"
"hah?"
"let's pretend na matagal na tayong may relasyon para hindi na sila mashock kung malaman man nila na ikakasal tayo, kung magtatanong sila ako na ang sasagot, may naisip na ako na pwede maging dahilan"
"hay bahala ka nga, basta yang kamay mo bantayan mo yan ha, baka mamaya kung saan na yan mapunta"
"yes, ma'am"
at ngumiti pa siya ng nakakaloko, talagang may binabalak siya. something smells fishy.
syempre, pinagtitinginan na talaga kami ng mga tao, nagsisimula na silang magtanungan at magbulungan, para namang hindi ko sila naririnig.
"uy!! ang gwapo naman ng kasama ni lara" sabi nung ale na nakikipagtsismisan sa may tindahan ni manang lin.
"hindi lang gwapo, mayaman pa, halata naman sa kotse diba?"
"napakaswerte naman ni lara, kung mapapangasawa niya un"
"tama ka, tyaka bagay naman sila eh, kung magaayos lang yang si lara, magiging maganda din naman yan siya"
"tyaka, mabait naman iyan si lara eh at masiyahin pa, gusto ko sanang malaman kung paano siya nakakilala ng mayaman para kung sakaling may kakilala pa siya, maireto naman niya sa akin"
"asa ka pa, matanda ka na noh"
grabe matatawa na lang ako sa usapan nila pero nakakahiya na talaga, first time kong pagtinginan ng mga tao ng ganito, feeling ko may nagawa akong kasalanan o sobrang nakakahiya para pagtinginan nila ako ng ganyan
"huwag ka ngang ganyan, magpakanormal ka lang"
"nakakahiya eh"
"kapag nagpakasal na tayo, masanay ka ng pagtitinginan ka ng mga tao, isang sikat, mayaman at gwapo ba naman ng lalaking pakakasalan mo eh. ako nga ehh sanay na nung tinitingnan ako ng mga tao sa park noon, at lalo na nung tiningnan mo ako noon"
"ang yabang mo rin talaga noh, ginagawa mong big deal un, pumasok na nga tayo sa loob" sabi ni lara nang nasa tapat na sila ng bahay niya. naiwan naman ang guard nila sa labas ng bahay.
sa loob ng bahay ay nakita ko si mama at papa na nanonood ng tv, si andrew naman ay gumagawa ng assignment niya sa school. halatang nagulat sila ng biglang makita ako sa may pinto, parang wala lang sa kanila ang pagalis ko ah, nakakainis naman parang wala naman silang pakialam sa akin.
"oh, lara bakit nandito ka?"
si mama ang nagsalita
"bakit, hindi ba kayo masaya na nandito ako? para namang pinagtatabuyan niyo ako niyan"
"hindi naman sa ganun, pero kasi ang sabi sa amin ay doon ka na sa mapapangasawa mo titira"
"edi parang tanggap niyo na rin na magpapakasal ako sa ganitong edad, hindi man lang kayo nagtry na pigilan ang crodble, nakakainis naman kayo ma" sinimangutan ko si mama

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fictionkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...