"anong ginagawa mo diyan?" tanong ni clark sa aking nung makita niya akong nakasilip sa may pinto.
"uhm, may narinig kasi akong nagpipiano kanina kaya tiningnan ko kung saan nanggagaling at yun, nakarating ako dito. ang galing mo palang magpiano, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?"
sagot ko sa kanya sabay lapit sa kanya.
"bakit tinanong mo ba?" nakakainis naman ito, siya na nga ang pinupuri, siya pa ang namimilosopo.
"gusto mo bang matuto?" bigla niyang tanong habang nakaupo parin sa upuan na nasa harap ng piano.
"tuturuan mo ako?"
nabuhayan ako ng dugo, mukhang mahahasa na ang talent ko sa pagpapiano, heheh chos lang first time ko pa nga lang itong gagawin eh, pero malay mo madiscover ako bilang isa sa mga magagaling na pianist.
"basta huwag mo lang akong pahihirapan sa pagtuturo sa iyo"
"mabilis naman akong matuto ahh"
"hindi kaya"
"ang sama mo talaga, kainis ka"
"ayan ka nanaman, pikon ka na agad, baka nakakalimutan mo ang mga tinuturo namin ni genevieve sa iyo, diba dapat habaan mo ang pasensya mo at huwag kang makipagusap ng ganyan"
"eh ikaw lang naman ang kinakausap ko eh, tyaka palagi mo kasi akong iniinis eh kaya nauubos na ang pasensya ko sa iyo"
"kahit na, baka mamaya makasanayan mo yan"
"oo na po"
"halika maupo ka nga dito"
sabi ni habang tinatapik ang space sa upuan niya, mahaba kasi iyon kaya kasya ako.
"bakit?"
"diba magpapaturo ka kung paano tumugtog ng piano?"
"ahh oo nga" tapos umupo na ako sa tabi niya.
bigla na lang niyang kunuha ang kamay ko. syempre ang malanding lara lumabas nanaman at ngayon ay nagbablush.
"ah- a-nong ginagawa mo sa kamay ko?"
"tuturuan na kitang magpiano, ako muna ang magkocontrol ng moves ng mga kamay mo kasi first time mo pa lang."
nilapag niya ang mga kamay ko sa keyboard ng piano at nakapatong ang kamay niya sa kamay ko kaya habang nagpapiano siya ay parang ako narin ung nagpapiano kaya natututo na ako. pero kanina pa ako parang istatwa dito, hindi ako makagalaw, nahihiya kasi ako kasi hawak niya kamay ko, nakakainis naman, dapat ninanamnam ko ang moment namin na ito eh kaso eto ako parang istatwa.
"huwag mong tigasan ang kamay mo, dapat smooth lang ang pagpindot sa mga keys."
"sorry, nahihiya kasi ako eh."
"nahihiya ka sa akin?"
"hah?" a-ano ba ang nasabi ko, nasabi ko bang nahihiya ako sa kanya? naku naman lara pahamak talaga ang bibig mo kahit na kailan.
"sabihin mo nga kung bakit ka nahihiya sa akin, samantalang noon ay sinusungitan mo pa nga ako eh at palaging inaaway, siguro may gusto ka na sa akin noh? kaya ka nahihiya"
sabi niya na nakangiti pa ng nakakaloko
"ha? ah anong nahihiya? hindi ako nahihiya sa iyo noh at bakit naman ako magkakagusto sa iyo"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fictionkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...