lara's POV
nandito kami ngayon sa airport, inaantay ang flight namin, nakaupo lang kami ni clark sa waiting area, tapos ung dalawang guard na kasama namin nagmamasid lang sa paligid
ewan ko ba kung bakit pa kailangan ng guard.
nakapunta na ako sa bahay kahapon nung pagkasabi pa lang ni clark na aalis kami para magpagpaalam na sa kanila mama, pinuntahan ko na rin si danica para masabihan, OA nga ang loka kasi kung ano ano ang sinasabi sa akin, maswerte daw ako kasi makakapunta na ako sa ibang bansa, pero ang hindi niya alam eh kahihiyan ang mapapala ko doon. ang dami pa niyang binibilin sa akin, magpapicture daw ako doon kasi pag nakita daw niya ang mga pics ko, feeling daw niya na nakapunta na rin daw siya, loka loka talaga yun.
maya maya pa eh pinatawag na kami para sumakay na ng eroplano, first time kong sumakay ng eroplano kaya kinakabahan ako, ang malas ko pa naman sa mga bagay na bago lang sa akin, hindi naman siguro nangangain ang airplane noh?
"tara na" yaya ni clark, tapos kinuha ko na ang maleta ko at sumunod na kay clark, ung guard na sana ang magdadala ng maleta ko kaso ayaw ko kasi nakakahiya naman, ang konti lang naman ng laman ng maleta ko tapos ipapadala ko pa sa kanya, dress lang naman para sa party tyaka ilang damit ang dala ko kasi sabi ni clark hindi naman daw kami magtatagal doon, pero kung gustuhin ko man daw na magtagal pa para mamasyal, doon na lang daw kami mamili ng damit, pangpasalubong na rin sa kanila mama at syempre sabit na ang bestfriend ko.
(see the pic. in my facebook page, just search "UNEXPECTED LOVE BY MAJABAAC")
pagkasakay namin sa eroplano eh umupo na agad si clark sa assigned seat niya at natulog, mahaba daw ang biyahe kaya pwede daw akong matulog kaso kinakabahan ako kaya paano ako makakatulog?
"ano kaya ang mangyayari sa akin doon? first ko dito sa airplane tapos first time ko ring pumunta sa USA, wala akong ibang kakilala doon maliban kay clark, paano kung malayo ako sa kanya? ano na ang gagawin ko? (lumapit ako ng konti kay clark na kasalukuyang mahimbing na natutulog) sana matupad mo ung sinabi mong hindi mo ako pababayaan" mahinang sabi ko sa kanya, hindi naman siguro niya ako maririnig kasi tulog na siya
maraming oras ang lumipas at sa wakas ay naglanding na ang eroplano, si clark ay tulog pa rin.
kaso may bigla akong napansin,
humihina ang pandinig ko, at parang wala na talaga akong naririnig.
tumitingin tingin ako sa mga pasaherong nasa paligid parang wala namang nangyayari sa kanila, hindi katulad ko, teka, ano ba itong nangyayari sa akin? sakit ba ito? namana ko ba ito? ayoko nito, ayokong maging bingi, hindi to pwede!!!!
nagpapanic na ako, hindi ko alam ang gagawin ko.
"clark!!! clark!!!!" nagpapanic na talaga ako, niyuyugyog ko na ng malakas si clark na nasa tabi ko para magising siya at makatawag na siya ng doctor, bago pa lumala ang sakit ko, baka mamaya habang buhay na akong maging binge
"ano ba yun hah?" halatang naalimpungatan siya, pero wala akong pakialam napakalaki ng problema ko ngayon.
"clark!!! nabibingi na ako!!!! ano ang gagawin ko? wala akong marinig na kahit na ako!!! gumawa ka ng paraan, tumawag ka na ng doctor!!"
ineexpect ko na magpapanic din si clark at matatarantang tumawag ng doctor pero hindi...
may kinuha siya sa bag niya tapos inabot sa akin
"bubble gum?!!!"
"oo, nguyain mo"
"loko loko ka pala eh, nabibingi na ako dito tapos ang ginawa mo lang ay bigyan ako ng bubble gum? sabi ko tumawag ka na ng doctor kasi hindi na ako makarinig, hindi ko kailangan ng bubble gum, sino ba ang bingi sa atin hah?"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen Fictionkung isa kang mahirap lang na babae tapos biglang isang araw magugulat ka na lang na kasama pala ang pamilya mo sa isang malaking organization at ikaw ang napiling pakasalan ng next successor ng organization na ito, ANO ANG GAGAWIN MO? - LARA paano...